Monday, April 02, 2012
Stationery Card
Tuesday, August 09, 2011
Anghel ng Buhay
Wednesday, May 18, 2011
Francesca Isabelle
Sunday, January 23, 2011
Banyuhay
Talagang hindi mo masasabi kung saan ka dadalhin ng agos ng buhay. Hindi kailanman pumasok sa aking isipan na ako ay maninirahan sa dayuhang bansa pero eto ako ngayon, residente ng bansang Canada.
Napakaraming pagbabago sa aking buhay simula ng ako ay dumating dito. Bagong kultura, bagong klima...bagong ilog na naman na aking tatahakin sa pagdaloy ng aking buhay.
Sunday, May 09, 2010
Pasahero
Sa pag-agos ng ilog parati itong may patutunguhan. Alam ng ilog ang kanyang dadaanan at lalagusan.
Sa iyong pagsabay sa agos ng ilog mo lamang matututunan kung saan ka nito dadalhin.
Monday, November 30, 2009
KASAL
Maraming beses ko ng naisulat ang aking mga ginawang paghahanda para sa aking kasal...
Nagpaikot ikot ako kasama ng aking magiging asawa sa kung saan saan para lamang makahanap ng simbahan at venue na pagdadausan nito. Ilang araw, linggo't buwan ang aking ginugol para rito. Makalipas ang matagal na panahon (tatlong taon rin halos!) ay tila di na muling nabanggit pa ang ukol sa kasalan. Di ko na rin napagtuunan ng pansin ang paghahanda dahil sa mga pangyayaring sadyang nagbago sa ihip....agos ng aking buhay, ang aming pangingibang bansa.
Pero sabi nga ng marami, sa pinagkahaba haba man ng prusisyon, sa awa at gabay ng Diyos, sa kasal pa rin naman kami humantong. Kasama ng mga mahal ko sa buhay, natupad din ang aking pinakamimithing araw. Isang simpleng okasyon na dinaluhan ng mga pinakamalalapit na tao sa aking buhay.
Monday, October 26, 2009
bilang na ang aking araw...
ilang araw na lang...malapit na malapit na talaga. hindi ako makapaniwala na talagang matutuloy na ang aming pangingibang bansa.
sabi ng ng isa kong malapit na kaibigan, "its ironic" na ako pa ngayon ang aalis ng bansa... ako na kilalang makabayan at tutol sa pangingibang bansa.
isa lang ang sagot ko sa kanya...
life happens.
maraming mga bagay sa buhay na magtutulak sa iyong umiba ng landas. hindi mo talaga maipaplano ang lahat ng gusto mong mangyari...minsan ay kailangan mong bumitaw at hayaan magpadala.
pero pakatandaan, hindi ibig sabihin nito'y nabawasan ang pagmamahal ko sa aking bayan.