Wednesday, September 28, 2005

Mahirap Maging Babae

Unbelievable.

After a gazillion years, nakasulat din akong at last. Ang nakakatawa nga lang, nothing much has happened since my last post. Now thats really pathetic.

Wala pa rin akong linya ng telepono.

Nasa graveyard shift pa din ako at wala ng nakikita pang tao.

And here I am again in trusty old Netopia with so much to say but sooo little time.

Mahirap to. Kelangan talaga isulat ko na lahat sa PC ko ang gusto kong ilathala sa blog ko tapos the moment I go online, cut and paste to death na lang. Tama...eto na nga lang ang gagawin ko.

I dont want to cram so many thoughts in just this entry. I'll end up saying nothing, thats for sure.

Basta isa lang masasabi ko.

Mahirap maging babae. Yun lang.

Paalam. Hanggang sa muli.

Friday, August 19, 2005

Pahiya, Inaantok, Cowboys, ATBP...

Sabi ko sa huli kong post, sinulat at tinaga ko pa nga sa bato na ang magiging kasunod na post ko ay isusulat ko mula sa aking bahay pero sa ngayon, i take it all back. Once again, I am blogging straight from my only hope, Netopia. Tinanong ni Mako kung ano ang nangyari sa aking plano na pumila sa PLDT upang magpakabit ng telepono...well, hindi ako pumila, wala pa rin akong telepono sa bahay at ang pinakamalala sa lahat, kasalukuyang sira ang aking computer. What else could be worst than this? Kahabag habag na Mits.

Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Mapapagawa ko rin ang PC ko. Malaon ay magkakaroon ulit ako ng internet sa bahay, promise ko yan sa sarili ko.

Enough with the rantings. I've got plenty of time now so I can write lotsa stuff. Sa sobrang dami kong gustong sabihin, ililista ko na lang siguro para mas organisado at sigurado pang masusulat ko lahat talaga.

1. Graveyard Shift

Ako na ata ang pinakamasayang CSO sa balat ng lupa (well, aside from Jenny, of course! ). Kasalukuyan akong nasa graveyard shift and nothing could be better than this. Kung dati, pakiramdam namin ay parang mamamatay kami sa oras na papasok na kami ng opisina, ngayon naman ay parang nagbabakasyon lang kami. Parang hindi sa trabaho ang punta ko. Halos walang tawag, malayo sa intriga sa opisina, hindi ko nakikita ang boss ko and best of all, nakakapaglaro ako ng DIABLO II buong gabi! Kung araw araw ba naman ay ganito ang gagawin ko sa opisina, sino pa ang gustong bumalik sa dayshift? Loko loko lang ang gugustuhin pang sumagot ng libo libong tawag pag umaga! I'll chose the graveyard shift anytime!

2. Cowboy Mako

2 or 3 days ago, I witnessed my friend at her VERY best. What I saw could not be topped by anything on this planet! etong si friend ko, abat biruin mo ba namang nakipagkita sa amin na naka COWBOY hat! yes, COWBOY hat po. dito sa pinas, oo, uso na yung mga groovy clothes. ok na ok maging iba pero hindi pa masyadong madaling tanggapin ang mga hats, lalo na kung cowboy hat...at lalo na kapag kaibigan mong bagong parebond ang naka cowboy hat, grabe talaga! Sayang lang at wala akong way para mag upload ng pic now para mapakita ito. abangan niyo na lang siguro sa blog ni jenny (http://ratsky.blogspot.com), sya ang magpo-post ng pics ni binibining mako.

3. Missing my friends

I have not seen my friends in a very very long time. I just saw Mako now but only for an hour and for the very last time pa. Babalik na naman sya sa Japan para mambabae. Kunwari lang yang nag-aaral. Sa totoo lang, nambabae lang yan. Isusumbong kita sa nanay mo. Tandaan mo, I have her cellphone number. Hehe. Pero sa totoo lang, sobrang bigat ng feeling ko kanina nung nagpaalam ako sa kanya. I know Im not the senti type at marahil baka kilabutan at masuka sya pag nabasa niya to pero for real, I really felt sad. It sucks that she's leaving. Ang saya saya kasi pag magkakasama kaming mga hyena girls (jenny, jen, mako ang yours truly). Walang humpay na tawanan, laitan, gaguhan pero take note, pag nagkwentuhan naman, may sense din naman. I feel open with them. I get to say anything and I dont feel awkward or weird cuz I know these are the people who know who I really am and understand me.

I also miss my highschool friends. I have not seen them in a very very long time. Ang daming bagong kwento and gusto ko malaman kung anu-ano na ang nangyayari sa kanila.

4. Loving Miguel more and more

Miguel and I recently celebrated our 8th month "anniv" as a couple. At sa walong buwan na pagsasama namin, Im still amazed at how things are going so well for both of us. Hindi ako makapaniwala na makakahanap ako ng isang tao na tulad nya. Lagi akong masaya kapag kasama ko sya. Magkaroon man kami ng di pagkakaintindihan, madali naming naaayos ang lahat. Loving him is effortless.

5. On blogging

I MISS BLOGGING SOOOO MUCH!

Saturday, July 23, 2005

Malala na talaga...

I can officially say na wala na talaga ako sa sirkulasyon...

HINDI KO MATANDAAN ANG USERNAME AND PASSWORD ko for my blog!

Watta loser!!!

Im desperate to have internet at home! First thing on Tuesday, Im lining up at PLDT and Im applying for a telephone line. Itaga niyo yan sa bato.

Im through with ranting about my internet problems! The moment I blog again, it'll be posted straight from home!

- - oOo- -
Im counting the moment...ilang tulog na lang August na! Im soo excited to be back in the graveyard shift. I can imagine it all right now, an average of 20 calls in just one day...oh how byooootifooool... Biruin nyo ba naman kasi, Im averaging at 100 calls in one day, take note, good day yan. Pag bakbakan, minsan 120 calls pa. Im sick and tired of talking to irate callers. Sawa na ako kakakinig sa paulit ulit na reklamo ng mga tao. Napepeste na ako sa kakaisip ng rason para ipaliwanag sa mga aplikante kung baket wala pang resulta ang mga bwisit nilang credit card application after submitting it 1 month ago. A person can only take so much. I sometimes wonder why callers have the nerve of getting irate and screaming at Customer Service Officers. I would never do such a thing cuz Im aware of the fact na HINDI ROBOT ang kausap ko, kundi TAO! I know people might think that Im just saying this cuz Im in the business of Customer Service pero hindi pa rin e. Im not the type of person who would go the extent of making a big fuss about my concerns na magwawala at magsisisigaw sa kausap ko sa kabilang linya. I just think its unethical and its just wrong. You can always talk to people in a calm manner. Hindi nakukuha sa whining at pagsigaw. Sana may cardholder na makabasa nito at sana matauhan sila na hindi madali ang trabaho sa Customer Service. Its takes patience and dedication and if the customers cant see and appreciate what you do for them, then they're just plain stupid.
---oOo---
Miss ko na ang mga kaibigan. Oo, ako ito, si Mitch Villegas po ito, ako, na mahilig mangi-ndian at magtago sa mga kaibigan. I miss hanging out with my highschool friends, I miss hanging out with the hyenas, I miss hanging out with Jenny. My work is taking a toll on me already. Its soo stressful that after I get off from work, all I want to do is sleep. Im too tired to do anything after. When my rest day comes, all I want to do is sleep some more. I need a change pretty soon. Things are getting really ugly.
---oOo---
And to end this, I just want to say to the world that tomorrow, 7/24/05, I am finally going to start reading my Harry Potter andthe Half Blood Prince book!
I finally fnished reading Tears of the Giraffe, I finally watched the complete season of CSI 5 and Smallville 4!
FINALLY!!!!
Whew! Busy sobra! (nerd/geek busy)

Saturday, June 11, 2005

Random Tots Part 2

Here I am again, typing away in an internet cafe. Racking my brains out for things to say. Cramming cuz I have soo much to tell but soo little time.

I miss having internet at home and at the office. Eversince our access was taken away, I felt lifeless. Yeah, I know it sounds really weird and geeky but its really how I feel.

Nways, since Im pressed for time, here are my random TOTs and kwentos:

Random Tot #1
Just left the office. Work really sucks. The more time I spend at the office, the more hopeless I feel about the work that Im in. I dont want to be stuck answering calls forever. It feels meaningless and really uninspiring. Totoo talaga na if pera lang ang habol mo sa trabaho mo, mawawalan ka talaga ng gana. Im not saying Im being paid really really well but the reason why Im staying is mainly because of the financial benefits that it offers. Goodluck na lang saken kung makaalis ako kaagad. With all the credit cards that I have to pay, it feels like Im gonna be stuck in my current job forever. That sucks.

Random Tot #2
Kaguluhan sa Pinas, na naman. Kausap ko si Mako ngayon, she's my friend who's currently in Japan (dun sya nambababae, hehe, peace friend!) and she's sooo worried about home. I told her not to worry cuz everything is ok. She's still worried. May threshold daw ang Pinas. I, on the other hand, always feel that the Philippines has got to be the most resilient country in the world. Paulit ulit man madapa, makakatayo pa rin. Nakakasawa nga lang minsan dahil ang pareho lang palagi ang dahilan kung baket nagkakagulo ang gobyerno. Agawan ng kapangyarihan. Lagi na lang naglalaban ang oposisyon at ang makagobyerno. Pag nakuha ng kabilang panig, pilit aagawin na naman ng kabila. Kawawa naman tayong mga mamayang nasa gitna, ipit na ipit na. Tsk tsk tsk.


Random Tot #3
Minsan ba'y pumasok sa utak mo na gusto mo ng mag-asawa? Gusto mo ng magka-baby? Madalas kasi yan mapadaan sa isip ko ngayon. Hindi ako nagpaparinig sa aking boypren. Im simply expressing what I've been feeling lately. Im not saying I want to get married right now. Its just that sometimes, I feel like I've done everything already and I want to move on to the next stage of my life. Haay, its hard when you get old. You start thinking of these adult stuff. Hehehe.

Random Tot #4
Sana malaki ang increase ko sa sweldo para makabili ako ng kung ano-ano. (Note: This is not a random thought. This is permanent stuck in my head, hehehe)

Random Tot #5
Kelan kaya ako pwede magabsent? Gusto ko magabsent dahil gusto ko magapply ng landline para magkainternet na ulit kami sa bahay. I miss blogging soooooooo much!

Random Tot #6
Wala na akong maisip. Naiinip na si Miguel. Ang tagal tagal ko kasi. Wala na syang mapuntahan website, ako naman ang dami pang gustong sabihin pero dahil gabi na at kelangan ng umuwi, fine, goodbye blog. Till we meet again.

People, read on lang. I miss reading your comments. I promise,once I have more internet time, dadaan ako sa mga blog nyo!

Saturday, May 28, 2005

At ako'y nagbalik!

Dalawang buwan! Dalawang buwan akong hindi nakapag internet. Isa akong taong bundok. Daig ko pa ang nakatira sa kuweba. Tsk tsk.

Sa bagay, wala rin naman akong masyadong maisusulat na kaaya aya. Same old, same old. Ang trabaho ay trabaho pa din. Inuulan kami ng sangkaterbang tawag ng mga aplikante ng Shopmore. Nakakapagod. Nakakasawa. Kung meron lang internet, hindi lang ito siguro ang masusulat ko. Marami pa sigurong pagrereklamo at pagmumukmok kesa dito.

Ang maganda lang sigurong pwede kong maisulat ko ay tungkol kay Miguelito kong payatot na hindi gaanong payatot ngayon. Oo, mataba na sya (refer to old pics, hindi na ganyan yan kapayat, hehe, tinira sa blog, bad gf)! Ang masakit nga lang, pati ako tumataba na ulit. Sira ang diet. Oh well, worth it naman. Masarap naman kumain e. At masarap makitang tumataba si Miguelito, hehehe.

Recently nga pala, nagpunta kami sa Puerto Azul for our company outing. As always, I was not able to swim. Stupid time of the month. Two years in a row na lang, sinasabayan niya ang outing namin. Hindi tuloy ako nakakapagswimming.

Eto, patikim. Ilang mga pics sa resort.



Pagkatapos ng Puerto Azul, nagpunta pa kami sa isang resort. Hindi ko na masyadong ikwekwento ang detalye kasi resort from hell ata yung napuntahan namin ng mga kaopisina ko. Buti na lang masasaya kasama ang mga kasama ko kaya bawi bawi lang.

In the end, the past 2 months have been pretty okay despite the few downsides (work in particular). I've had my share of summer escapades. I've spent sooo many wonderful times hanging out with my friends and especially with Miguel. Nawa'y sa susunod na pagsusulat ko rito, madami ulit akong makwento...

Sunday, April 03, 2005

Bagong kwento at may kasama pang reklamo...

Sa wakas, muli ko na naman nahawakan ang teklado ng computer at nagsusulat na muli sa aking pinakamamahal na blog!

Kasalanan lahat to ng bwisit na IT people ng BDO. Swapang kayo. Walang masama sa pagbo-blog! Baket kailangan ninyong iblock ito?! Nagagawa naman namin ang trabaho namin. Bandwidth ba kamo? Pusta ko kayo mismo ang kumakain ng bandwidth dahil sigurado akong panay ang online gaming ninyo sa opisina! Nagpadala pa ng listahan ang mga magaling ng mga empleyadong may pinakamaraming bawal na website na pinuntahan. Biruin mong nangunguna ako! Nakakatawa, bawal daw. Kung bawal, sana ay hindi na lang kami binigyan ng internet access. Mga tanga talaga.

Ayan, nailabas ko na ang galit ko sa IT people ng pinapasukan ko. Bwisit kasi sila.

Andito ako sa netopia sa cubao. Sa sobrang takam ko sa pagbo-blog, naginternet cafe na ako. Sobrang tagal ko na kasi hindi nakikita ang blog ko. Hindi ko na alam kung ano ang bago. Marami rami na rin ang dumaan. Salamat sa pagbisita at pasensya kung medyo tahimik dito ngayon. Sa oras na magkaroon na ulit ako ng internet sa bahay, araw araw na ulit magkakaroon ng bago dito, pangako.

Sa susunod, marami na ulit akong kwento. Sa ngayon, tigil na muna. Tumatakbo ang oras. Mahal ang pero ora dito. Hehe.

Friday, March 11, 2005

Second Pitstop of the Amazing Race

They did it again! Rob and Amber have used their wits and cunningly made their way into the top spot for the 2nd pit stop of the Amazing Race at Santiago, Chile. It seems like they've really been trained by Survivor to be competitive cuz they've definitely outplayed, outsmart and outwitted all the other teams and had a very big time lead. They've done everything and when I say everything,I mean everything. They paid some dude to not tell the other teams the schedule of the buses, they paid the bus driver not to open the 2nd door of the bus so that the other teams would not be able to go down right away, they found a strategic way to stack all 180 books so that they could deliver it to the library of congress in just one trip. They may have been bad but I must admit, they're really cunning and competitive and this is definitely the reason why they won the million in Survivor All Stars and now they're leading the pack in the Amazing Race.



I'm also glad that Alex and Lynn, the adorable gay couple, are still in it. As always, they were as gay as ever.



I cant wait for next week. Im sure its gonna be as exciting as ever. My bets are still in and I hope they'll still be in it next week.

*Pics courtesy of CBS Amazing Race 7 site

Thursday, March 10, 2005

Here are a few of my favorite things...la la la

My Favorite...

1.color: black and green

2.flower: sunflowers and daisies

3.perfume: im not into perfumes but i like how cool water smells (guess who smells like it! =))

4.author: tolkien, coehlo, rowling, l.m. montgomery, l.snicket, bob ong (he's funny!)

5.book: veronika decides to die, by the river piedra..., LOTR and other tolkien books, potter series, series of unfortunate events

6.condiment: patis

7.shoes: love wearing sandals/flip flops, i love my chucks

8.local channel: kapuso at kabarkada

9.beauty product: lip gloss, cheek tint and pressed powder are my staple beauty products

10.magazine: anything that i see i read

11.cookie: subway's choco chip cookies! so chewy!

12.ice-cream: cookies and cream, blizzard's mudpie

13.chocolate: toblerone, chocettes and ferrero's are my top choice

14.junk food: love nova, clover chips, tortillos, doritos and ruffles

15.restaurant: chilis, banana leaf, yellow cab, taco bell (burritos, burritos!)

16.month/s: december (best month ever!)

17.number: 13 and 14

18.day: as long as its my rest day, then i love that day

19.fast food joint: kfc and mcdonald's

20.t.v.show: amazing race, survivor series, im beginning to like tru calling, mulawin

21.car: always wanted to have a rav 4.

22.comedian: ben stiller

23.subject: history

24.radio station: jam 88.3

25.occasion: christmas and new year

26.cartoon character: spongebob (rather, spandsbab, spandsbab!)

27.fashion designer: not brand conscious and dont care who designs clothes, as long as they look nice and comfy, then they're okay

28.clothing store: people are people

29.pet: no pets. i want to have a pet cow though. =)

30.athlete: i liked yevgeny kafelnikov when i was in highschool. he's a tennis player. but i liked him more for his looks than his tennis skills.

31.sport: basketball!

32.sports theme: theme? or team? dont get this.

33.jeans: jeans at ppl are ppl fit me perfectly

34.season: summer! i love the sun sun sun!

35.hobby/ies: reading books, listening to music, blogging, watching movies

36.accessory: anything cute and fancy

37.fruit: strawberry, banana, kiwi

38.vacation spot: baguio and puerto galera, i want to go to BOHOL!

39.drinK: strawberry milkshake, lemonade, anything light

40.food: currentlyl craving for panna cotta, pesto, pizza!

41.hang-out: where i hang out? at home? podium (2nd home of all BDO employees)

42.dessert: panna cotta,ice cream and crepes

43.movie: LOTR!, big fish, amelie, collateral, underworld...etc...sobrang dami!

44.cable channel: im the only person on earth who does not have cable yet

45.website: any blog, as long as its interesting

46.toothpaste: colgate

47.cake: coffee crunch ng red ribbon, homemade honey cake that u can get at san lorenzo vill.

48.expression: when i asked my friend what my usual expression is, my friend answered..."u look ugly"

49.attire: jeans, shirt, rubber shoes

50.place: i dream of going to bohol! i dream of living by the beach!


thanks for this shadowlane!

Wednesday, March 09, 2005

Panna Cotta!

I've been craving for this dessert for 2 days already. I have no idea where to get it (there's a resto in Tagaytay that sells it but I cant possibly go all the way there just for that) so here's the recipe, maybe I can actually prepare it and finally have a taste of it!

I want Panna Cotta!


----- oOo -----




Panna Cotta al Caffe (serves 2)

4 oz/120 ml very strong espresso or coffee
8 oz/240 ml heavy (double) cream
2 oz/60 g sugar
1 envelope/(1 teaspoon/7 g) unflavored powdered gelatin

Pour half of the cream into a saucepan, add the sugar and espresso, and heat almost to a boil. Remove from heat and sprinkle gelatin on top. Stir until the gelatin dissolves and let cool to room temperature, stirring occasionally.

Whip remaining cream into soft peaks. Gently fold the whipped cream into the gelatin mixture. Pour the cream into 2 individual ring or round molds and refrigerate for about 3 hours.

To serve, remove panna cotta from moldsonto serving plate, decorate with whippedcream and whole coffee beans or a sprinklingof ground coffee.

Monday, March 07, 2005

Sabik sa Pagbabago

Nagkaroon na ba ng pagkakataong bigla mo na lang gusto magkaroon ng malaking pagbabago sa iyong buhay?

Ganyan ang nararamdaman ko ngayon. Parang may maliit na tinig sa ulo at damdamin ko na tila'y humihiling na baguhin ko naman ang pag-ihip ng hangin sa tinatahak kong daan. Hindi naman sa nagsasawa na ako. Nasa estado lamang siguro ako na pawang nalubos ko na ang mga bagay bagay at may panibagong daan na namang gustong lakbayin. Sa tingin ko'y handa na ako sa pagbabagong ito bagama't hindi ko pa ito napagnilayan ng husto. Sa katunayan, mukang ikagagalak ko pa nga ito.

Marahil mahirap unawain kung ano nga ba ang nais kong ipahayag. Sa ngayon, hindi pa siguro panahon na ito'y mailantad ngunit sa ngayon, ito ang tila umuukilkil sa aking isip at damdamin kaya't heto sya ngayon...isinusulat ko sa sisidlan ng aking buhay.

Friday, March 04, 2005

Amazing Race 7 Na!

Amazing Race 7 na!

And as expected, todo adrenalin rush especially with Rob and Amber as part of the contenders. They ended up in 3rd place for the first pit stop in Peru.

At first, I was really excited to watch these two cuz Survivor is soo much different compared to Amazing Race pero habang nanonood ako, may new favorites na ako, si Alex and Lynn, the gay couple! Ang cute cute nila. Not like Reiken and Chip (the other gay couple who won in one of the Amazing Race season, i forget which one), they're both soooo gay and its soo nice to just watch them. They both remind me of Sean Hayes of Will and Grace.

I cant wait for next week. I hope they dont get eliminated soon.

Thursday, March 03, 2005

I Command You to Go to Work!

Ikatlong araw ng absent si Jenny. In fairness, nami-miss ko ang piklat na babaitang ito.

Kahapon na ata ang isa sa mga pinakaboring na araw ng buhay ko. Wala halos magawa sa office. Panakanaka lamang ang pagpasok ng mga tawag at lahat ng seatmates ko ay walang pasok. Wala si Sasa, wala si Jenny at wala si Bhea. Tahimik. Sobrang tahimik. Nakatapos pa nga akong magbasa ng isang buong libro...take note...habang nasa trabaho. Sumasagot pa ako ng telepono nyan ha. Partida.

Malungkot pag walang kausap. Kahit walang ginagawa, nakakapagod pa rin.

Pumasok ka na Maria Fatima!

Tuesday, March 01, 2005

On Personal Legends and Life

Sinimulan kong magbasa ng The Alchemist na isinulat ni Paolo Coehlo noong isang linggo. Pagkatapos ng ilang araw, natapos ko rin. Nabasa ko na yung Veronika Decides to Die at By the River Piedra... pero hindi ko pa nabasa ang ultimate at "beloved book" niya til now. Hindi ko pa tapos pero it has stirred my curiosity and has started making me think about a lot of things...especially about finding one's own Personal Legend.

Ano nga ba ang Personal Legend? Sabi ni Coehlo, ang bawat nilalang ay may kanya kanyang Personal Legend. Tinitukoy nito ang isang bagay na pinakananais mo na makamit sa iyong buhay. Para sa pangunahing tauhan na si Santiago, ang makapaglakbay at mahanap ang kanyang kayamanan ang kanyang Personal Legend. Matagal kong pinilit inisip kung ano ang aking Personal Legend. Makapaglakbay din ba? Mabasa ang lahat ng libro ng gusto kong basahin? Makasama panghabambuhay ang aking pinakamamahal? Inisip ko ng inisip at ngayong isinusulat ko ito...pakiwari ko'y alam ko na ang sagot.

Ang mabuhay ng simple at tahimik. Yan ang aking pinakananais na makamit sa aking buhay. I never dreamed of greatness. I never wanted riches. Ang magkaroon lamang ng sapat ang tunay na magpapaligaya sa akin. Having too much brings complications. I never want complications.

"Maktub". It has been written. Yan ang kadalasang isambit sa libro. Kumbaga, naisulat o naitakda na ang mga bagay sa iyong buhay. Parang mahirap paniwalaan no?

Hindi ako kailanman naniwala na may mga bagay sa mundong ito na sadyang itinadhana sa isang tao. Para sa akin, kung sino at anuman ang iyong makasalubong sa paglalakbay mo sa iyong buhay, sadyang pagkakataon lamang ito. Magbubunga at magyayabong lamang ang pagtatapo at pagsasamahan at makakamit ang mga ninanais kung ito ay iyong paghihirapan. Kahit na ba itinadhana sa iyo ang isang bagay, kung hindi ka kikilos upang ito ay makamit, sadyang hindi mo ito matatamo.

Sadyang maraming tao ang pilit umiintindi sa buhay. Marami na ang naisulat upang bigyang liwanag ang mga misteryo nito. Ngunit sa dinami dami ng naigugol na panahon para intindihin ito, tuloy pa ring hindi nasasagot ang maraming katanungan ng tao ukol sa kanyang buhay. Marami pa rin ang nangangapa sa bawat paghakbang niya sa daang kanyang tinatahak. Kung sa bagay, ano pa nga ba ang ikagaganda ng buhay kung alam mo na ang lahat ukol rito? Ano pa ang saysay kung wala na ang misteryo?

Sunday, February 27, 2005

Panahon ng Takot at Pangamba

Ganito pala ang pakiramdam kapag may namumuong takot sa iyong puso't isipan.

Nagiging balisa't kung ano ano ang naiisip. Nanghihina kasabay panlalamig ng mga kamay. Mahirap matakot sa hindi mo alam. Hindi mo tanto kung ano ang iyong haharapin at kung paano ito paglalabanan or malalampasan.

Talagang darating ang isang araw na magbabago ang iyong mga pananaw sa buhay. Gagawa ka ng desisyong hindi mo akalaing magagawa mo. Dapat ay handa ka sa kung ano mang kahihinatnan nito. Madaling sabihin. Sigurado akong mahirap pa ring tanggapin sa unang pagkakataong magkatotoo ang iyong kinatatakutan.

Ngunit kung sa harap ng takot at pangamba'y may kadamay ka, sigurong mahaharap ang unos. Kung ang sumpaa'y tapat at totoo, pawang malalampasan ang takot.

Sunday, February 20, 2005

Failed Attempt

Pinilit kong ibahin ang template ng aking blog.

Blogger with no knowledge on HTML and Javascript has made several attempts but to no avail.

Sinubukan kong lagyan ng background pic yung mismong background. Walang nangyari. Sinunod ko naman yung instructions pero ayaw pa rin. Sinubukan kong ibahin yung color scheme ng buong blog ko. Okay na sana nung simula (different shades of gray pa naman sana yung effect) pero nung inaayos ko na yung profile box ko, wala, pumalpak na. Back to my old theme ulit tuloy ako.

Kung may pera lang ako, gusto ko sanang magInformatics para makapag-aral ng HTML at web design. Hmmm... Dapat ko ata itong isama to sa wish list ko.

Inaantok ako pero di pa pwede matulog. Naiinip ako kaya blog na lang ang pinagtritripan ko. Malungkot ako pero di naman pwede magmukmok.

Just let me blog away all my worries

Friday, February 18, 2005

Cool Nerd

I am nerdier than 58% of all people. Are you nerdier? Click here to find out!



Salamat Maranatha para sa link.

Matagal ko ng gustong malaman kung nerdy nga ba ako. Mukha kasi akong nerd pero hindi naman ako genius. Mukha kasi akong nerd pero hindi naman ako nagtapos na summa cum laude. Mukha akong nerdy pero taga sagot lang naman ako ng telepono.

Pero ayon nga sa resulta...lightly nerdy daw ako. Tama ang hinala ko. Tumpak ang resulta. Tama lang ang timpla ko. Nerdy pero cool.

Isa akong cool nerd. Yebah!

Sumamo sa Panahon ng Paghihikahos

7 araw.
8 pirasong 20 peso bill.
4 na pirasang 100 peso bill.
Mangilan ngilang barya.

Yan na lang ang natitira kong pera. Sa loob ng pitong araw, kailangan ko yang mapagkasya.

Ang iilan kong kaibigan ay malapit ng mawala kapag hindi pa ako nagpakita sa kanila. Dinner, merienda, pizza sa bahay. Lahat yan, kakambal ay pag gasta. Wala akong panggasta. Wag sana ako mawalan ng mga kaibigan.

Konting pag-unawa ang hiling ko sa inyo. Naghihikahos ako, nakakahiya mang aminin.

Nag-iinarte

Baket ba may mga araw na parang gusto ko lang mag-inarte at magpaka o.a.?

Today is definitely one of those days.

Sa mga araw tulad nito, para bang nawawala ako sa katinuan at wisyo. Mahirap maintindihan at mahirap pakibagayan. Nagpapahard to get. Nagpapacute. Baka raw kasi malapit na ang aking buwanang dalaw. Haha. Baka nga.

Hindi ko alam kung baket ako nagkakaganito. Siguro ay kulang lang ako sa pansin. Baka may gusto lang akong sabihin na hindi masabi. Baka may nararamdaman na hindi maipahiwatig. Ano pa man ang dahilan, hindi ko ata mapipigilang mag-inarte ngayon.

Malamang ay nakakairita ito para sa ilang taong makakahalubilo ko ngayon. Pasensya na. Sana'y mapagbigyan na lang ninyo ako. Minsan lang naman ito at hindi naman ako siguro gagawa ng bagay na maaaring ikagalit ng ninuman. Konting kiliti lang naman ito. Pampaanghang sa aking pagkatao. Kung matatanggap mo akong ganito, salamat. Tunay kang kaibigan.

Thursday, February 17, 2005

Character Is Your Destiny

Character is your destiny.

Eto yung topic ng mga DJs habang nakikinig ako sa radyo papasok ng opisina kaninang umaga. Noong unang tinanong nung isang DJ yung kasama niya kung naniniwala siya rito, walang masabi yung isang DJ. Kapareho ko, mukang hindi rin ata niya alam ang ibig sabihin nito. Hindi natapos ang usapan ng dalawa. Malamang ay natunugan ng isa na hindi naintindihan yung kanyang sinabi kaya pinaliwanag niya ang ibig sabihin nito.

Eto pa nga ang ginamit niyang halimbawa.

"Kung makakita ka ng isang libong piso sa sahig...pupulutin mo ba ito at ibubulsa o ibabalik sa may-ari. Walang ibang nakakita. Ikaw lang. Kung ano man daw ang maging desisyon mo (kung ibabalik mo ito o hindi), sa oras na iyon matatanto mo at ng iyong Lumikha ang iyong pagkatao kasabay ng pagtanto mo sa iyong tadhana." (syempre, sa salitang ingles niya ito sinambit)

Pagkatapos maipaliwanag, napaisip ako kung nagkaroon na ba ako ng pagkakataong masubukan upang malaman ang uri at katatagan ng aking katauhan. Marami na akong mga naharap na sitwasyon at pagsubok ngunit sa aking pakiwari ay hindi ko pa natatanto ang tunay at nag-iisang pagsubok na susukat sa aking tunay na katauhan. Sana'y sa pagdating nito'y hindi ako masawi sa pagkakakilala ko sa aking sarili. Naniniwala akong itinadhana ako ng Lumikha na maging isang ganap na nilalang na may tatag ng loob at buo ang prinsipyo. Sana'y sa pagdating ng aking pagsubok ay ganap kong maisabuhay ang inaakala kong itinadhana sa akin.

Wednesday, February 16, 2005

Ayan!

Hmm. Naririnig ko na naman yung comment na "Tumataba ka!".

Matagal tagal na panahon ko nang hindi yan naririnig. Dati, bukambibig yan ng mga tao sa Unionbank at sa Perpetual (noong panahong nagpapaka nars pa ako). Sa sobrang rindi ko sa paulit ulit na hirit na yan, sinimulan ko ang aking crash diet. Ayoko na kasing marinig pa na masabihan ako ng "Tumataba ka".

Pero eto na naman tayo, nagsisimula na naman syang umalingawngaw sa utak ko. Ayoko pa rin syang naririnig.

Bukas, diet na ulit. The world wide web is my witness.