Can't Wait to see this!
Thursday, June 21, 2007
Free Time!
I've recently rediscovered the internet. I haven't been blogging for quite a while but I seem to have found myself trotting even the onset of rain just to be able to blog, kahit na kaunti lang.
Things seem a bit more peaceful at the office now. For some weird reason, things seemed to have gone back to how it was before. Friends who became enemies are friends again (I hope Im reading it right). It feels nice. Mahirap kasi kapag may hostility and conflict at the work place. A stressful job turns into a hellish workplace. Mahirap yun.
But now that things seem to be straigthening out on its own, I begin to feel better too.
Sana tuloy tuloy na...
Friday, June 15, 2007
Pictures Sometimes Really Speak Louder Than Words
Buo
Sa unang pagkakataon, nakakilala na rin ako ng isang tao ng matatawag kong, BUO.
At siya ay si Ian.
Si Ian ay dati kong katrabaho. Nagpasya siyang umalis sa trabaho mga dalawang buwan na ang nakakaraan. Noong una naming nalaman na nagbigay na siya ng kanyang resignation letter sa aming boss, gulat na gulat ako. Hindi ako makapaniwala sapagkat napakalaking pagkakataon ang kanyang pakakawalan. Dapat sana ay makakausad na siya sa posisyong pagka manager mula sa pagiging junior officer. Napakarami ang binalak ng aming boss para sa kanya dahil sa mahusay niyang pamumuno sa aming grupo at dahil sa malaking tuloy niya sa kumpanya.
Ngunit hindi niya hinayaang masilaw ang sarili sa mga pangako ng pag-unlad sa isang trabahong hindi na nagbibigay sa kanya ng tunay na kasiyahan at inspirasyon. Kahit na kasigurahan sa larangan ng pamemera ang ibinibigay sa kanya nito, bumitaw pa rin siya. Hindi ito ang ninanais niya at alam niyang hindi siya tunay na magiging masaya.
Noong mga unang ilang linggo na wala na siya sa opisina, panghihinayang pa rin ang aming naiisip sa tuwing siya ang napag-uusapan ngunit sa kanyang pagdalaw sa amin kagabi, natanto ko na hindi siya nagkamali sa kanyang naging desisyon. Nagkaroon ng kakaibang kinang ang kanyang mga mata habang kinukwento ang kanyang mga plano ngayo't isa na siyang flight steward. Ang pagkakataong makapaglakbay ay isa sa mga bagay na talaga namang kinapapanabikan niya. Malayo man siya sa amin, alam niya na hindi matutularan ng kahit anupaman ang pagkilala sa iba't ibang tao't kultura na kanyang makakasalamuha. Naniniwala ako dito sapagkat masasabi mong isa kang tao na sadyang maraming alam kapag nakapaglakbay ka't nakilala ang malawak nating mundo. Sa bawat salitang kanyang bigkasin, bigla kong nakita ang isang tao na alam ang kanyang gustong gawin, gusto ang kanyang ginagawa, isang kaibigang tunay na buo ang katauhan.
Sana'y matamo ko rin ang pagkabuo ng aking sarili. Sana.
Sigurado lang ako na magagawa ko ito kung sisimulan ko ang pagtahak sa daan patungo rito...
Saturday, May 26, 2007
Miguel Turns 30!
Maligayang Bati Miguelito!
Kahapon idinaos ni Miguel ang kanyang 30th birthday! Grabe, isang taon na lang at wala na sya sa kalendaryo =) Matanda na ang aking boypren. Mwehehehe.
Nakakapagod ang buong araw sapagkat kahit na 30 na sya, drayber pa rin sya ng kanyang nanay. Despite being tired though, it became special since our families finally had the chance to be together to celebrate the day.
We had dinner at Cloud 9 (pictures to follow!) at kumpletong nagsalo salo ang pamilya nya at pamilya ko. First time sya and it turned out to be fun. Akala ko pa nung una magkakailangan pero hindi rin naman pala. Nagkaroon ang lahat ng pagkakataon na mas magkakilala. Kasama pa syempre ang pamangkin nyang si Carlos na sadya naman kyut na kyut kaya lalo pang naging mas masaya. Marami pang masayang kwento pero sa susunod na ulit dahil as usual...kulang sa time.
Happy Birthday ulit Miguel!
Tuesday, May 22, 2007
On being brave...
Isa na namang pagkakataon para makapagsulat...salamat.
Marami rami na ring mga bagong pangyayari sa aking buhay na gusto ko sanang ikwento sa sino mang maliligaw at magaabalang sumilip sa aking mga kwento...
Una na rito ang aking paglalakas loob na harapin ang isang bagay na kinatatakutan upang makamtan ang isang matagal ng ninanais...ang maiba naman ang ginagawa. Matagal na rin akong nagtatrabaho bilang isa Customer Service Officer ng BDO. Matiyaga kong napagpasensyahan ang mga tanong, hiling at reklamo ng samu't saring mga tao. But i guess you will reach a point in your life when you just want to do something else. Mga ilang beses na ring pumapasok sa aking isipan ang paglipat sa ibang team para maiba namang ang aking ginagawa. Patumpik tumpik nga lang ako dahil sa takot na hindi payagan or worst, mapagalitan. Pero at last, nakapaglakas loob din ako noong Huwebes. Biglang bigla ang pagkakataon and I knew that if I let it pass, I would never get the chance to speak up again.
I did it. Nasabi ko sa kanya na gusto ko ng lumipat sa ibang team. It was a very light conversation with the boss who I feared so much. Mabilis lang ang usapan pero I knew it made a difference. I was able to show her my intentions and I knew I'd be given the chance.
Hindi kailanman tayo dapat magpatalo sa takot. Cowardice gets us nowhere. It only brings us disappointment once we realize the opportunities we've missed if we let it get the best of us. For once in my life, Im happy that I overcame my fear.
Wednesday, May 09, 2007
Para Lang Alam Nyo Pa...
Over the past few months...kahit papaano, may happenings naman sa buhay ko...
Nakapag Talisay kami nung Holy Week
Tumaba ako
At madami pang iba....
Sa susunod na lang, si Jenny kasi baka daganan ako.
Matanda na nga ba ako?
Apat.
Apat na buwan akong hindi nakapagsulat sa aking blog.
Nilangaw, nabulok at halos patay na ang blog ko. Nakakaawa.
Kung meron lang sana akong pagkakataon na makapaginternet parati, ang dami ko na sanang naikwento pero tila kulang parati ang oras. Hindi dahil sa madami akong ginagawa kundi dahil sa parati kong nararamdamang pagod or di kaya't tinatamad ako. Iniisip ko nga madalas kung ito ba ay isang pagpapatunay na talagang tumatanda na nga ako. Ano nga ba ang madalas kong nararamdaman ngayong malapit na akong magdalawampu't walong taong gulang...
1. Madaling mapagod.
Kung dati ay kaya kong mag-ikot sa mall ng isang buong araw ng walang nararamdamang pagod (exception na siguro ang manakanakang pagatake ng aking pulikat), ngayon ay isang oras pa lang akong nagiikot ay nananakit na ang aking mga tuhod at patang pata sa oras na ako ay umuwi.
2. Makakalimutin.
Kung dati ay kaya kong kumabisa ng mangilan ngilang pahina bilang paghahanda sa isang test, ngayon ay ang simpleng kaarawan ng aking mga kaibigan ay nalilimutan ko na rin. Minsan ay tatayo ako, kukuha ng tubig sa ref ngunit sa oras na makarating na ako sa ref ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
3. Hindi na interesado pa sa anumang bagay
Maliban sa panonood ng Heroes, wala na ata akong ibang gustong gawin. Hay buhay.
Sa totoo lang, marami pa akong gustong sabihin pero as usual, im pressed for time. Sana talaga magkaroon na ulit ako ng sarili kong computer at internet access...
Monday, December 18, 2006
New look ni Sisidlan
Im excited with my blog's new look.
As of the moment, nothing different pa rin pero im hoping to make new changes once i get the chance to blog ng dibdiban. so far kasi, tig isang oras lang lagi ang chance ko para makapag online. usually, during my lunch break lang, kaya hindi ko talaga sya mabutingting.
Friday, December 08, 2006
Halo Halo
Thursday, November 30, 2006
Reasons why I hate being a VILLAGER
Monday, November 27, 2006
Ritrato
Puro salita, puro dada...picturan muna!
Wednesday, November 22, 2006
This Blog is Not Dead
Hindi pa po patay ang blog na to. At mas lalong hindi pa po patay ang nagmamayari ng blog na ito. Ako po ay kasalukuyang nabubuhay pa, alive and kickin' ika nga. Wala lang po akong PC sa bahay at wala rin masyadong oras na maigugol upang makapag internet sa labas.
Marami akong gustong iexplore pa at butingtingin sa blog na ito ngunit dahil sa kakulangan ng oras, unfortunately, tiis tiis muna tayong lahat sa mga boring na hinaing at angst ko.
Maiba muna tayo...
Malapit ng mag December 1. Para sa mga taga BDO, ito ang pinakamasayang araw sa bawat taong nagdadaan sapagkat CHRISTMAS BONUS na! Sa wakas, tapos na ang labingisang buwan ng paghihirap. Tiba tiba na naman tayong lahat!
Eto ang ilan sa mga bagay ng gusto kong gawin pagsapit ng a-uno ng Disyembre:
1. Kumain sa Itallianis!
2. Bumili ng bagong Chuck Taylor (yung white na may blue lining tapos cross sa likod - nasa Shoe Salon sya at napakaganda nya!)
3. Mag bayad ng kahit isang credit card para mabawasan na ang mga pesteng utang na yan!
4. I-treat ang nanay ko sa kung saan man nya gusto pumunta o mamasyal.
5. Ipunin ang pera ko para sa aking future! Yebah. =)
Eto ang mga pangarap kong bilhin pero di pwedeng bilhin kasi mahal at makakasira sa plano kong magipon for my future:
1. A brand new Sony Ericsson W710i
2. A brand new Kenneth Cole watch
3. A brand new queen size mattress
Grabe, ang sarap talaga pag pasko. Ang dami mong naiisip bilhin and for once in your life, pwede mo nga silang bilhin! Yehey!
I love Christmas! I love it, love it, love it!
Sunday, October 01, 2006
Pagbabago ngayong bumagyo? Wala.
Bumagyo na't lahat. Halos buong Luzon ay nawalan na ng kuryente. Mga nagtatandaang mga puno'y nabunot, mga dating bubong ng bahay ngayo'y kalat na lang sa kalye ngunit...wala pa ring pagbabago sa Pilipinas.
Tuloy pa din ang 3-day sale ng Podium. May pasok pa din ang mga empleyado ng Banco de Oro. Kahit na libo libong tao ang napinsala ng pagbulusok ni Milenyo, tuloy pa rin ang buhay ng mas nakararami at animo'y isang commercial lamang ang trahedyang nangyari.
Tuesday, August 22, 2006
Muling Bubuhayin, TULONG NAMAN DYAN!
Balak kong buhayin muli ang tulog na manunulat na nagtatago sa pumupungas pungas kong mga mata...
Balak kong muling kilitiin ang aking isipan mukang nakuntento na lamang sa pagiging ordinaryo...
Tulungan niyo naman ako...
In other words, meron ba kong masasalihan writing group dito sa Kamaynilaan? I need an outlet, I need guidance, I need mentors...HALP!
Not a laughing matter - isang komentaryo ukol sa Guimaras Oil Spill
Naging matindi ang naging pagdidiskusyunan namin ng aking mga katrabaho ukol sa isyu ng naganap na oil spill sa isla ng Guimaras. Noon....napapanood ko lamang dati syang nangyayari sya sa ibang mga bansa at hindi lubos na nauunawaan ang kanyang epekto hindi lamang sa kalikasan kundi sa buhay ng mga tao na naninirahan sa mga apektadong lugar. Ngayon...kitang kita ng aking mga mata ang mabilis na pagsira ng maitim at malapot na langis na ikinalat ng lumubog na tanker. Tila isang mantsa sa maputing buhangin at asul na karagatang unti unting bumabalot at lumalamon sa kagandahan ng munting ngunit magandang isla ng Guimaras.
May managot man o wala...huli na rin ang lahat. Marahang sinisira ng langis ang buhay, kabuhayan at tirahan ng mga taga Guimaras at ng kaliit liitang isda na naninirahan sa karagatan.
Ngayon ko gusto makita na magkaisa ang Pinoy. Ang kaganapang ito ay isang malinaw na paraan upang mapatunayan nating isa tayong nagkakaisang bansa. Hindi man magkaisa ang ating bayan pag usapang pulitikal ang pinagkakaabalahan, sana'y ngayon ay magsiklab muli ang tunay na People Power na nananalaytay sa dugo ng bawat isa sa atin.
Saturday, August 19, 2006
Bertday!
Gosh. Nabubulok na ata tong blog ko sa sobrang tagal na huli akong nakapagsulat. Nakakaawa na sya. Ni hindi ko na nga alam kung anong bago sa blog world e. Tsk tsk.
Maraming bagong kwento. Marami din sanang bagong mga retrato na handa mai-post dito sa blog pero dahil sa kulang sa oras at hindi ko mai-upload yung mga pics dahil sa sira ang aking computer. Gagawin ko na lang ang aking makakaya para malubos ang oras para makapagkwento na samo't sari pangyayari sa aking kinda boring but not so bad life.
Kakatapos lang ng aking kaarawan! It was my bertday last August 13. Dalawampu't pitong gulang na ako! Yehey! Dagdag na taon but not feeling any older. Sa totoo lang, ang pakiramdam ko, nasa highschool pa din ako. Siguro nga pag nakita ako ng mga dati kong kamag-aral, sasabihin nila, wala akong pinagbago. Same old Mitch V.
A day before my birthday, I decided to come out of hiding and invited some of my good friends over for pasta and pizza. People like Jenny (but of course she's there), Jen, Magnolia and Eggy came to celebrate with me (too bad Mako wasnt here). It was a nice feeling to see all of my very good friends all together. Real important friends that I've met since highschool, college and at work. Not only was I glad that we got the chance to hang out with each other once again but it made me real happy to know that I've got really great friends. Ang pakiramdam ko, parang nakagawa ako ng tamang bagay sa buhay ko dahil sa mga kaibigang napili ko. Wala man akong yaman sa buhay (cliche, cliche i know...) pero masuwerte naman ako dahil may mga kaibigan akong tulad nila. In other words, it was a happy birthday for me....thats all I wanted to share actually.
For now, I've got to go.
But there's more to come...I promise. Hintay lang.
Wednesday, May 10, 2006
Walang topic. Walang Theme.
Kasabay ng pagtingin-tingin sa iba’t ibang mga blog, naisip ko bigla na hindi ko matanto kung ano nga ba ang tema ng sarili kong blog. Tungkol saan nga ba ang aking “sisidlan’? Samu't sari ang aking mga isinusulat at tila walang isang bagay na mapagtuunan ng pansin. Gusto ko meron din akong isang tema na magpapakita kung ano nga ba ang aking interes. Ang pakiwari ko kasi'y tila wala na akong interes sa kahit ano. Masyado na yata akong nagpaanod sa buhay at tila hindi na ako makapag-ukol ng panahon at lakas sa mga bagay na tunay na nakapagpapasaya sa akin. Nalulungkot ako dahil alam kong unti unti na akong nilulunod ng buhay. Isa na lamang akong pangkaraniwang nilalang. Isang robot na desusi.
Saklolo. Ayoko maging pangkaraniwan. Ayokong unti-unti na maging desusing nilalang na hinahayaang magpadala sa anod.
Wednesday, April 26, 2006
Damn AMD processor!
Sunday, April 23, 2006
Simulan Na!
Halos tatlong buwan na rin ang nakalilipas mula ng yayain akong magpakasal ni Miguel...
And so far, wala pa kaming napaplano o nasisimulan sa kasal na sana'y matuloy sa Enero ng taong 2007.
Hindi naman sa ayaw na naming magpakasal. Sa katunayan, atat na nga kami. Hindi ko bobolahin ang sinumang makabasa nito...ang malaking problema ngayon ay aming kakulangan ng pondo. Nakapagtanong tanong kami sa mga kaibigan at katrabaho at kukulanging Php 200,000 ang aming kakailanganin upang maisakatuparan ang kasal na pareho naming inaasam.
Talagang napakalaking halaga lalo na sa kagaya naming mga simpleng tao lamang. Wala kaming sapat na pera at kung 2007 ang aming goal, mukhang hindi kakayanin ng powers naming makapagipon ng ganun kalaking halaga. Siguro, kung pwede lang, magpacivil wedding na lang pero syempre, kahit papaano'y gusto rin naming matupad ang isa sa aming mga pangarap lalo na't nakaabot na kami sa edad na akma sa pagpapakasal.
Binanggit sa amin ng mama ni Miguel (future mama ko na rin, hehe) na hindi masama kung magsimula na kaming maghanda. Walang masama sa pagtingin tingin upang malaman namin ang talagang aabutin ng kasal. So far, may venue na kami, libre pa. Sa bahay ng lola ko sa Batangas. Its perfect! Napakalaking hardin at napakagandang sinaunang bahay na gawa sa narra! Perfect sa Filipiana theme, dream ko to! Kaya lang gusto daw magtuxedo ni Miguel. Pano ba to? Hehe. Ang simbahan, syempre sa Batangas din. Libre na to, sigurado ako! Malakas lola ko sa parokya ng aming bayan. =) Ang kailangan ko na lang isipin ngayon ay ang caterer na magpapakain ng mahigit 100 katao. Damit ko at ng entourage. Invitations. Souvenirs. Photographer and Videographer. Flowers. Madami dami pang pagaaral ang kailangan gawing para sa nalalabi. Kailangan ng simulan...walang mangyayari kung magpapatalo kami sa takot ng laki ng gastos sapagkat kung gusto mo, magagawan ng paraan.