Wednesday, May 10, 2006

Walang topic. Walang Theme.

Sa aking pagtingin-tingin sa ilang mga blog, napansin kong marami sa mga ito'y tila may isang tema na nauukol sa interes ng may-ari ng mga ito. May isa akong nakita na nauukol sa mga iba't ibang uri ng sakit ang tema sa kadahilanang isang manggagamot ang may ari ng blog. Ang sa aking kaibigang may-ari ng "ratsky" ay tila tungkol sa iba't ibang mga palabas sa telebisyon at mga sine naman. Merong ibang nauukol sa mga online gaming. Meron ding isa pang blog na nauukol naman sa pagluluto. Iba't ibang interes ng iba't ibang uri ng tao sa lahat ng sulok ng mundo.

Kasabay ng pagtingin-tingin sa iba’t ibang mga blog, naisip ko bigla na hindi ko matanto kung ano nga ba ang tema ng sarili kong blog. Tungkol saan nga ba ang aking “sisidlan’? Samu't sari ang aking mga isinusulat at tila walang isang bagay na mapagtuunan ng pansin. Gusto ko meron din akong isang tema na magpapakita kung ano nga ba ang aking interes. Ang pakiwari ko kasi'y tila wala na akong interes sa kahit ano. Masyado na yata akong nagpaanod sa buhay at tila hindi na ako makapag-ukol ng panahon at lakas sa mga bagay na tunay na nakapagpapasaya sa akin. Nalulungkot ako dahil alam kong unti unti na akong nilulunod ng buhay. Isa na lamang akong pangkaraniwang nilalang. Isang robot na desusi.

Saklolo. Ayoko maging pangkaraniwan. Ayokong unti-unti na maging desusing nilalang na hinahayaang magpadala sa anod.

Wednesday, April 26, 2006

Damn AMD processor!

I still wonder why I allowed myself to get another AMD processor! Why? Why? Why? Lagi na lang nagha-hang at nagre-reboot ang PC ko dahil sa init! Kailangan ko pang buksan ang aircon at tapatan pa sya ng industrial fan para lang sigurado akong matiwasay akong makakagamit ng aking computer! Nakakainis! Nakakabwisit!
Current mood: BAD TRIP!

Sunday, April 23, 2006

Simulan Na!

Halos tatlong buwan na rin ang nakalilipas mula ng yayain akong magpakasal ni Miguel...

And so far, wala pa kaming napaplano o nasisimulan sa kasal na sana'y matuloy sa Enero ng taong 2007.

Hindi naman sa ayaw na naming magpakasal. Sa katunayan, atat na nga kami. Hindi ko bobolahin ang sinumang makabasa nito...ang malaking problema ngayon ay aming kakulangan ng pondo. Nakapagtanong tanong kami sa mga kaibigan at katrabaho at kukulanging Php 200,000 ang aming kakailanganin upang maisakatuparan ang kasal na pareho naming inaasam.

Talagang napakalaking halaga lalo na sa kagaya naming mga simpleng tao lamang. Wala kaming sapat na pera at kung 2007 ang aming goal, mukhang hindi kakayanin ng powers naming makapagipon ng ganun kalaking halaga. Siguro, kung pwede lang, magpacivil wedding na lang pero syempre, kahit papaano'y gusto rin naming matupad ang isa sa aming mga pangarap lalo na't nakaabot na kami sa edad na akma sa pagpapakasal.

Binanggit sa amin ng mama ni Miguel (future mama ko na rin, hehe) na hindi masama kung magsimula na kaming maghanda. Walang masama sa pagtingin tingin upang malaman namin ang talagang aabutin ng kasal. So far, may venue na kami, libre pa. Sa bahay ng lola ko sa Batangas. Its perfect! Napakalaking hardin at napakagandang sinaunang bahay na gawa sa narra! Perfect sa Filipiana theme, dream ko to! Kaya lang gusto daw magtuxedo ni Miguel. Pano ba to? Hehe. Ang simbahan, syempre sa Batangas din. Libre na to, sigurado ako! Malakas lola ko sa parokya ng aming bayan. =) Ang kailangan ko na lang isipin ngayon ay ang caterer na magpapakain ng mahigit 100 katao. Damit ko at ng entourage. Invitations. Souvenirs. Photographer and Videographer. Flowers. Madami dami pang pagaaral ang kailangan gawing para sa nalalabi. Kailangan ng simulan...walang mangyayari kung magpapatalo kami sa takot ng laki ng gastos sapagkat kung gusto mo, magagawan ng paraan.

Monday, April 17, 2006

Munimuni

At last, nakapaginternet din ako. Yung tipong "leisurely surfing the net" talaga...walang hinahabol na oras, walang time limit, walang iniisip na bukas...

Napadaan ako sa blog ng aking kaibigan si Maranatha... and wala akong kamalay malay na kinasal na pala siya! Congrats! Nakita ko pa yung evolutionpics niya with her highschool friends and thats when it him me...talagang we're all grown up. Gone were the days when all we had to worry about were soliloquys to memorize for Mrs Eala, book reports to submit, reflections papers to reflect on and geometry problems to solve for Ms Marquez... Lahat ay iba na, lahat ay problemang pangmatanda na.
I miss highschool. I miss the teachers. I miss my classmates. I miss everything about it. It brings a kind of comfort that I've never truly encountered in college and even now that I'm working.
Sana muli kong mabalikan ang AC. Gusto kong muling makita ang mga classrooms, ang mga canteens. Gusto kong muling marinig ang tawanan, usapan, hiyawan ng mga Assumptionista na tila isa na lamang alingawngaw sa aking isipan...

Wednesday, April 05, 2006

Patay na Buhay

Patay na nga ata talaga ‘tong blog ko.

Kasabay ng pagbulusok ng sangkaterbang problema ang kawalan ko ng oras at inspirasyon para makapagsulat muli.

Ngayon ko lamang nahinuha na sadyang sa pagtanda ng isang tao, kung hindi ka mag-iingat ay sadyang makakalimot ka’t magpapaanod sa agos ng buhay. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng taong unti-unting nagiging robot.

Mahirap pag hinayaan mo ang iyong sarili na sumabay sa mga buhay na patay. Hindi mo mamalayang katulad ka na rin nila, humihinga, gumagalaw at nagsasalita ngunit hindi na nakakaramdam. Animo’y isa ka na lamang robot na paulit ulit na gumagawa ang pang araw-araw na ritwal. Gigising, kakain, maliligo at magbibihis. Papasok sa opisina, magtatrabaho. Kakain ng tanghalian, kakain ng meryenda, kakain kahit hindi gutom. Tatayo para magbanyo. Pagkalipas ng 9 na oras, uuwi na ng bahay. Kakain ng hapunan. Manonood ng t.v., magsisipilyo’t hilamos at saka matutulog. Sa sunod na araw, ganun ulit. Paulit ulit lang. Vicious cycle ang tawag nila ditto sa Ingles. Akmang akma ang termino. Sadyang mapanganib ang ganitong klaseng buhay. Mamatay ka kahit na buhay ka pa.

Thoughts on Life: Chef ba si God?

Talagang mapanghamon ang buhay. Kung mahina ka, minsan ay sadyang mahihirapan ka sa mga hamong ipupukol nya sayo.

Bagama't madalas mapukol at kahit na madalas pang mabukulan, ngayon ko masasabing sadyang ako ay nabubuhay. Mas natitikman ko ang putaheng inihahanda sa akin ng aking kapalaran. Hindi lang sya puro tamis. May kaunting alat at pait pati na rin ang anghang. Sadyang naging mas malasa tuloy. Mas masarap mabuhay kapag ganito pala.

Kapag iisa lamang ang lagi mong nalalasahan, habang tumatagal ay masasawa ka rin. Kapag puro tamis, baka mabulok ang ipin mo. Kapag puro alat, baka naman magkasakit sa bato. Pag puro pait naman, mas lalo namang hindi masarap yun. Huwag din naman puro anghang, baka magkaputok ka (pasintabi na lang sa mahilig sa maaanghang).

Magaling nga sigurong chef si God. Kasi tamang tama lang ang timpla nya sa buhay ko. Ngayon medyo dinagdagan niya ng alat at pait. Pero okay lang, sawa na rin ako sa matamis. Okay lang na maiba naman.

Friday, January 13, 2006

Pagsasanay

Dalawang linggong pahinga! Ang sarap. Ngayon ko lang ata ulit naranasan to sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa bangko. Dalawang taon akong walang tigil na sumasagot ng telepono. Kahit papaano, nakapahinga rin ako sa wakas. Unfortunately, some good things never last.

Dalawang linggo akong hindi sumasagot ng tawag sapagkat kasalukuyan akong inihahanda sa PAGSAGOT (na naman) ng mga tawag mula sa mga kliyente ng bangko. Pagsasanay kumbaga...training mode. Kung dati, mga credit cardholders ang kausap ko, ngayon mga bank depositors and clients naman. Medyo mas exciting ngayon kasi mas kailangan alagaan ang mga depositors ng bangko. Syempre naman dahil sila ang nagpapasok ng pera sa bangko. Marami rami na rin akong natutunan at in fairness, excited na akong sumabak sa pakikipagusap sa kanila. Kadiri bang pakinggan? Malamang. Mahirap ipaliwanag. Siguro kayo ko to nasasabi at nararamdaman, kasi talaga namang challenging ang makipagusap sa mga bank depositors. Parang mas kailangang dekalidad ang pagbibigay serbisyo. Hindi ko sinasabing dapat ng barubalin ang mga tumatawag tungkol sa credit card. Mahirap din ihandle ang mga ito. Mas challenging lang ngayon kasi ang daming pwedeng itanong sayo ng tatawag tungkol sa bank products. Savings, checking, time deposits. May investment funds and trust products pa. Remittances pa! At ang pinakamasaklap sa lahat, undispensed cash complaints (eto ung mga taong tumatawag dahil nabawasan ang laman ng ATM nila kahit na wala namang lumabas na pera sa ATM machine sa pagwi-withdraw nila).

A basta, kahit na corny pakinggan, excited ako! Natutuwa ako dahil mas marami na akong alam ngayon. Sana tuloy tuloy lang ang paglawak ng aking kaalaman.

Friday, December 30, 2005

Bagong Taon na, bagong buhay na nga ba?

Isang tulog na lang, taong 2006 na.

Hindi ako makapaniwalang dumaan na ang 12 buwan, 366 na araw, 8784 na oras ng aking buhay(ang galing, nacompute ko kung ilang oras meron sa isang taon!)! Tapos na ang 2005 at sadyang napakaraming bagay ang nangyari sa aking buhay ngayong taon. Eto ang ilan sa mga mahahalagang bagay na nais kong sariwaan sa pagsasara ng taon...


1. Hyenas


Hyenas


Napakasaya ko dahil ngayong taong ito, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama muli ang aking mga kaibigan noong kolehiyo. May bonus pa dahil naging kaibigan din nila ang aking bisfreni. Hindi man naging madalas ang aming pagkikita, sadya namang ang bawat paglabas, panonood ng sine, pagsakay sa sasakyan ni Mako, panlalait sa isat isa ay sadyang hindi ko kailanman makakalimutan.



2. Miguelito


@market market!


Halata naman siguro sa blog na ito kung sino ang taong tinutukoy ko. Mangilanngilan na ring mga entries ang naisulat ko ukol sa kanya. Siya ang pinakamamahal ko. Ang magiging katuwang ko sa buhay, kaibigan at nawa'y maging ama ng aming magiging mga anak. Hindi ko kailanman makakalimutan ang taong nagdaan sapagkat naging tunay na masaya, makabuluhan at makulay ito dahil sa kanya.



3. Bada Van
Bada Van and Miguel


Itong taon na ito, nasubukan ang tapang ko sa pagharap sa isang tunay na balakid. Itong taon na ito nawalan ng trabaho ang aking mama. Noong una kong malaman na tinanggal na sya sa pinatatrabahuhan nya ng halos sampung taon, akala ko ay guguho na ang aking mundo. Hindi ko alam kung papaano ko susuportahan ang aming pangaraw araw na gastusin at pangtustos. Awa ng Diyos, mukang nakakaraos pa rin naman. Nakabili ang nanay ko ng isang van na ginagamit namin bilang shuttle, pampasaherong sasakyan na sinasakyan ng mga nagoopisina sa Makati at Ortigas. Tama lang ang kinikita nito upang pambayad upa at pangkain (at in fairness, nagkaroon na rin kami ng sarili naming sasakyan, sa wakas). Resilience at its finest. One of the few times that I really experienced real life challenges.



4. Paglabas ng tunay na kulat atbp

Note: Di pwede lagyan ng retrato. Mahahalata kung sino e.

Ngayong taong ito, marami akong mga kakilala na sadyang lumabas ang tunay na kulay. Ang mga dating inakalang mababait at tunay na tao...hindi pala. Palaging kaakibat ng paglipas ng panahon at magaganda at mga masasama ring mga pangyayari. Isa na siguro ito sa mga negatibong natutunan ko ngayong taon na ito. Sadyang madamig tao sa mundo ang mas pinahahalagahan ang kanilang mga sarili kaysa sa kapakanan ng kaibigan. Nakakapanghinayang ngunit sadyang bahagi ito ng buhay.



5. Pagtatapat at Kasalan


the ring



Ito na ata ang pinakakapanapanabik na pangyayari na naganap ngayong 2005! Ang matinding proposal ni Mr Miguel Claro. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang Mitch Villegas ay makakaranas ng totoo at hardcore proposal (with matching engagement ring na nakalagay sa panna cotta!). Sa totoo lang, never in my wildest dream did I ever think that this could happen to me. Hindi naman sa ang tingin ko sa sarili ko ay hindi ako espesyal. Sa mga nakakakilala sa akin, alam kong maiintihan ninyo ako. Simple lang naman kasi ako, I love and hope to be loved back. Kung humantong man sa kasal, so be it. Pero hindi kailanman ako naging tipo ng tao na nagimagine kung paano ba magpopropose sa akin ang aking boypren. Hindi ko rin man inisip kung paano ako ikakasal. Pero eto ako ngayon, tinatanong ni Miguel kung nais ko ba syang pakasalan, hawak ang singsing, nanginginig pa nga sa kaba. "Will you marry me, Maria Michelle Villegas?". Hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa isip at puso ko ang boses nya nung tanungin nya ako. I felt so happy. Oo at wala ng iba pa ang unang pumasok sa isip ko. "Yes! Yes" naman kaagad ang sinagot ko! May kasama pang iyak yan.

Tuesday, December 27, 2005

Holiday Rush

The holiday rush is finally over! Finally!

Pag panahon talaga ng kapaskuhan, lahat nagrurush! Nagrurush ubusin ang kanilang mga pera. Sa kasawiang palad, kasama ako sa mga taong ito. As of today, 12/27/05, I am officially broke. Wala na ako, ni singkong duling.

Pero kahit papaano, kahit na naubos na ang aking bonus, sweldo at iba pang nakulimbat na pera mula sa pera ng aking inay, masaya na rin ako dahil marami rami rin akong napamili para sa aking sarili at para sa aking mahal sa buhay. Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit naghihirap na ang buhay, nagagawa pa rin namin ang mga simpleng bagay tulad ng pagsho-shopping at pamamasyal kasama ang pamilya.

At dahil holiday rush, rush din ang pagsusulat ko. In a few seconds, maaaring maghang ang aking engot na computer dahil hindi kaya ng fan ng computer ko ang init ng processor. Sayang, hindi ako nakabili ng bagong fan para sa PC. Ganyan kasi pag holiday rush, sa pagmamadali mo, marami ka pa ring nakakalimutang bilhin.

Thursday, December 22, 2005

Good News Galore!

I’m soo happy! Full to the brim with good news!

Here we go…

1. I’m Engaged!

Oh yes, he proposed! My Bibi proposed and asked me to marry him last week, December 12. With the ring and the “Will you marry me line” pa! Totoo na talaga to! I can’t believe it! I’m so overwhelmed and cannot believe that I’d be someone that someone would actually proposed to. Never in my wildest dreams did I ever think that something like this could happen to me. Not everyone girl gets the chance to experience something this overwhelming which makes me appreciate it so much more. I can’t wait to make kwento about all this in detail (wait for the next post!)

2. I have a landline! At last!

Yes, another good news! After waiting for days, months, years…I finally have a landline na! And take note, PLDT line, not the old crappy PT&T line that we used to have a few years back. I finally have internet!

3. I can blog blog blog blog!

Yes! Blogging! Buhay na naman ako!

I have soo much kwento! Hintayin niyo lang! Im back in the ball game! Magsasawa kayo sa blog ko, promise!

Tuesday, November 22, 2005

Oh my gosh!

we're getting married, we're really getting married! =)

ang hirap paniwalaan pero its really going to happen.

im very very excited. i can finally be with my mips forever and ever and ever. until we're old and gray and pruney.

marriage, im sure isnt going to be easy, but im sure with mips at my side, things will turn out great. i can just imagine him spoiling our children to death while i end up as the bad guy all the time cuz im going to be as strict as a lola. teehee.

happy happy mits.

Tuesday, November 01, 2005

Rush

Tatlumpung minuto lamang ang oras na natitira para makapagsulat ako dito.

Sa kakaramput na panahong naibigay sakin...ano nga ba ang pwedeng maisulat dito.

Ah alam ko na!

1. Ako ay kasalukuyang nakakaramdam ng panibugho. Kadiri.

2. Nanlalata ako. Nananakit ang aking mga kasukasuan. Tinatamad ako.

3. Ayokong pumasok sa opisina.

4. Hindi na ako muling magsusuot ng syort pants. Pinahamak lamang ako ng pagnanais kong maging kakaiba.

5. Isang araw na lang, wala na ulit pasok. Gusto ko ng matulog.

6. Kasama ko si Miguel ngayon. Kinikilig kaya siya dahil sa nakuha niyang mensahe mula sa isang dating "kaibigan". Hmmm. Panibugho to the highest level.

7. Sarado na ang mga katabing establisyemento ng Netopia dito sa Farmers. Kelangan ng mag pak-ap.

8. Babay.

Sunday, October 30, 2005

Apaw

Hindi ko mapigil. Bumubulusok at nagpupumiglas ang mga salitang kay tagal kong ikinulong sa isip na kay tagal ko ding pinatay...pinatahimik. May muling kumiliti sa aking nakahandusay na diwa at inudyok akong magsulat ng kung ano, di ko ata mawari.

On second thought...

Alam ko na kung ano...

Ang walang kamatayan, ang walang kupas...

Lab.

To Batangas and Back Again

Whew, what a long day! Kagagaling ko lang all the way from Batangas. Balikan! Rush rush kaya Im dead tired. But since this is my last day of VL, kelangan i- maximize ang araw, must find time to blog!

Yes, today is officially the last day of my oh soo exciting 3 day leave. Unfortunately, dahil sa kakulangan sa pananalapi, I did nothing. I just stayed at home and did nothing. Im not complaining though, doing nothing is better than being at work. I'd rather lie down the whole day and stare at my room's ceiling than be at work.

Well, it wasnt really that boring. I actually enjoyed it because Miguel and I spent a lot of time together. After ten trillion years, we were finally able to watch a movie(yes, even movies have become a luxury in my life and the chance that I get of being able to watch is considered a treat) - watched The Legend of Zorro. The movie was typical but still entertaining. We went crazy playing Daytona at the arcades too! I thought I was never going to beat Miguel but I finally did yesterday! I am the racing goddess! (Wag ka kumontra Miguelito!). We were also able to make pasyal in Tiendesitas last night. Tiangges make me go crazy!! Too bad I have no money, so I just feel crazy but still end up buying nothing. Hehehe. And to culminate the week, Miguel, my mother and I went to Batangas to visit my father's grave for Undas. I dont have time to go on November 1 cuz I have work on that day so I could only go there today. My lola and tita met Miguel (they met him before but he was still courting me that time) and Im soo happy cuz I could feel that they liked him. My tita was even egging us to actually settle down already if we both know and feel that its really "us" na. I did not expect to hear this from the people who always thought of me and see me as a child. Suddenly, its like they've finally realized that I am grown up and they're excited at the fact that I should be getting married already. I felt very happy that they feel this way. I also felt happy at the fact that my mother also wants to see me married already. Poor Miguel, he must have felt so pressured at the fact that my whole family seems to want me to be married to him already. But then, on our way back to Manila, while eating lunch at Jollibee (yes, my dear friends, in Jollibee! Unique!), he actually asked me if I want to get married already next year. Of course I said, YES! =) This isnt the first time that he asked me if I wanted to marry him but today, it felt soo real. The very first time he and I were together, everything felt right. I knew that he was the one I wanted to be with forever. I can't imagine living without him. I know that I am going to be happy as long I am with him. We both have our hurdles to overcome but going through them together makes all the difference.

Happy happy Mits. Nice feeling -- nice to blog about all this now.

Thursday, October 06, 2005

Thoughts on Amazing Race 8

I finally found the time to watch Amazing Race 8 Family Edition. And I must say, having four people instead of the usual two has made the dynamics of the game much more interesting and even more challenging. Seeing couples argue and squabble before now seems corny after I've seen mothers panicking like crazy over cars losing gas and little kids actually trying to help out their parents carry supposedly wounded civil war soldiers to their bunks. Even if I've seen 8 seasons of the reality show, the new twist of having 4 family members in one team just makes it just as fresh as the first season.

Here are some of my favorite scenes from the 2nd pitstop of Amazing Race 8:


mamakids
Gaghan Family
This is a picture of the family that brought their two kids as part of the team. In fairness, the kids didnt seem like extra baggage. There was even a time when the kid was actually suggesting to the father that they ask around for directions when they couldnt find the clue box at the Reflecting Pool which ended up to be the wrong pool anyways.




losers
Rogers Family
This is the family that ended up losing in the 2nd leg of the race. The dad was such an ass. He was blaming his son all the time. It was actually his fault cuz he make them take the 30East when they should've taken the 30West. Oh well, that's why they lost.



fatherdaughters
Bransen Family
This team rocks! Its made up of the dad and his three daughters. The dad has a hard time keeping up with his 3 daughters but they still made it!
I have soo much more to say but time is up! (Once again, Im in an internet shop). Til the next episode then!

Wednesday, September 28, 2005

Mahirap Maging Babae

Unbelievable.

After a gazillion years, nakasulat din akong at last. Ang nakakatawa nga lang, nothing much has happened since my last post. Now thats really pathetic.

Wala pa rin akong linya ng telepono.

Nasa graveyard shift pa din ako at wala ng nakikita pang tao.

And here I am again in trusty old Netopia with so much to say but sooo little time.

Mahirap to. Kelangan talaga isulat ko na lahat sa PC ko ang gusto kong ilathala sa blog ko tapos the moment I go online, cut and paste to death na lang. Tama...eto na nga lang ang gagawin ko.

I dont want to cram so many thoughts in just this entry. I'll end up saying nothing, thats for sure.

Basta isa lang masasabi ko.

Mahirap maging babae. Yun lang.

Paalam. Hanggang sa muli.

Friday, August 19, 2005

Pahiya, Inaantok, Cowboys, ATBP...

Sabi ko sa huli kong post, sinulat at tinaga ko pa nga sa bato na ang magiging kasunod na post ko ay isusulat ko mula sa aking bahay pero sa ngayon, i take it all back. Once again, I am blogging straight from my only hope, Netopia. Tinanong ni Mako kung ano ang nangyari sa aking plano na pumila sa PLDT upang magpakabit ng telepono...well, hindi ako pumila, wala pa rin akong telepono sa bahay at ang pinakamalala sa lahat, kasalukuyang sira ang aking computer. What else could be worst than this? Kahabag habag na Mits.

Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Mapapagawa ko rin ang PC ko. Malaon ay magkakaroon ulit ako ng internet sa bahay, promise ko yan sa sarili ko.

Enough with the rantings. I've got plenty of time now so I can write lotsa stuff. Sa sobrang dami kong gustong sabihin, ililista ko na lang siguro para mas organisado at sigurado pang masusulat ko lahat talaga.

1. Graveyard Shift

Ako na ata ang pinakamasayang CSO sa balat ng lupa (well, aside from Jenny, of course! ). Kasalukuyan akong nasa graveyard shift and nothing could be better than this. Kung dati, pakiramdam namin ay parang mamamatay kami sa oras na papasok na kami ng opisina, ngayon naman ay parang nagbabakasyon lang kami. Parang hindi sa trabaho ang punta ko. Halos walang tawag, malayo sa intriga sa opisina, hindi ko nakikita ang boss ko and best of all, nakakapaglaro ako ng DIABLO II buong gabi! Kung araw araw ba naman ay ganito ang gagawin ko sa opisina, sino pa ang gustong bumalik sa dayshift? Loko loko lang ang gugustuhin pang sumagot ng libo libong tawag pag umaga! I'll chose the graveyard shift anytime!

2. Cowboy Mako

2 or 3 days ago, I witnessed my friend at her VERY best. What I saw could not be topped by anything on this planet! etong si friend ko, abat biruin mo ba namang nakipagkita sa amin na naka COWBOY hat! yes, COWBOY hat po. dito sa pinas, oo, uso na yung mga groovy clothes. ok na ok maging iba pero hindi pa masyadong madaling tanggapin ang mga hats, lalo na kung cowboy hat...at lalo na kapag kaibigan mong bagong parebond ang naka cowboy hat, grabe talaga! Sayang lang at wala akong way para mag upload ng pic now para mapakita ito. abangan niyo na lang siguro sa blog ni jenny (http://ratsky.blogspot.com), sya ang magpo-post ng pics ni binibining mako.

3. Missing my friends

I have not seen my friends in a very very long time. I just saw Mako now but only for an hour and for the very last time pa. Babalik na naman sya sa Japan para mambabae. Kunwari lang yang nag-aaral. Sa totoo lang, nambabae lang yan. Isusumbong kita sa nanay mo. Tandaan mo, I have her cellphone number. Hehe. Pero sa totoo lang, sobrang bigat ng feeling ko kanina nung nagpaalam ako sa kanya. I know Im not the senti type at marahil baka kilabutan at masuka sya pag nabasa niya to pero for real, I really felt sad. It sucks that she's leaving. Ang saya saya kasi pag magkakasama kaming mga hyena girls (jenny, jen, mako ang yours truly). Walang humpay na tawanan, laitan, gaguhan pero take note, pag nagkwentuhan naman, may sense din naman. I feel open with them. I get to say anything and I dont feel awkward or weird cuz I know these are the people who know who I really am and understand me.

I also miss my highschool friends. I have not seen them in a very very long time. Ang daming bagong kwento and gusto ko malaman kung anu-ano na ang nangyayari sa kanila.

4. Loving Miguel more and more

Miguel and I recently celebrated our 8th month "anniv" as a couple. At sa walong buwan na pagsasama namin, Im still amazed at how things are going so well for both of us. Hindi ako makapaniwala na makakahanap ako ng isang tao na tulad nya. Lagi akong masaya kapag kasama ko sya. Magkaroon man kami ng di pagkakaintindihan, madali naming naaayos ang lahat. Loving him is effortless.

5. On blogging

I MISS BLOGGING SOOOO MUCH!

Saturday, July 23, 2005

Malala na talaga...

I can officially say na wala na talaga ako sa sirkulasyon...

HINDI KO MATANDAAN ANG USERNAME AND PASSWORD ko for my blog!

Watta loser!!!

Im desperate to have internet at home! First thing on Tuesday, Im lining up at PLDT and Im applying for a telephone line. Itaga niyo yan sa bato.

Im through with ranting about my internet problems! The moment I blog again, it'll be posted straight from home!

- - oOo- -
Im counting the moment...ilang tulog na lang August na! Im soo excited to be back in the graveyard shift. I can imagine it all right now, an average of 20 calls in just one day...oh how byooootifooool... Biruin nyo ba naman kasi, Im averaging at 100 calls in one day, take note, good day yan. Pag bakbakan, minsan 120 calls pa. Im sick and tired of talking to irate callers. Sawa na ako kakakinig sa paulit ulit na reklamo ng mga tao. Napepeste na ako sa kakaisip ng rason para ipaliwanag sa mga aplikante kung baket wala pang resulta ang mga bwisit nilang credit card application after submitting it 1 month ago. A person can only take so much. I sometimes wonder why callers have the nerve of getting irate and screaming at Customer Service Officers. I would never do such a thing cuz Im aware of the fact na HINDI ROBOT ang kausap ko, kundi TAO! I know people might think that Im just saying this cuz Im in the business of Customer Service pero hindi pa rin e. Im not the type of person who would go the extent of making a big fuss about my concerns na magwawala at magsisisigaw sa kausap ko sa kabilang linya. I just think its unethical and its just wrong. You can always talk to people in a calm manner. Hindi nakukuha sa whining at pagsigaw. Sana may cardholder na makabasa nito at sana matauhan sila na hindi madali ang trabaho sa Customer Service. Its takes patience and dedication and if the customers cant see and appreciate what you do for them, then they're just plain stupid.
---oOo---
Miss ko na ang mga kaibigan. Oo, ako ito, si Mitch Villegas po ito, ako, na mahilig mangi-ndian at magtago sa mga kaibigan. I miss hanging out with my highschool friends, I miss hanging out with the hyenas, I miss hanging out with Jenny. My work is taking a toll on me already. Its soo stressful that after I get off from work, all I want to do is sleep. Im too tired to do anything after. When my rest day comes, all I want to do is sleep some more. I need a change pretty soon. Things are getting really ugly.
---oOo---
And to end this, I just want to say to the world that tomorrow, 7/24/05, I am finally going to start reading my Harry Potter andthe Half Blood Prince book!
I finally fnished reading Tears of the Giraffe, I finally watched the complete season of CSI 5 and Smallville 4!
FINALLY!!!!
Whew! Busy sobra! (nerd/geek busy)

Saturday, June 11, 2005

Random Tots Part 2

Here I am again, typing away in an internet cafe. Racking my brains out for things to say. Cramming cuz I have soo much to tell but soo little time.

I miss having internet at home and at the office. Eversince our access was taken away, I felt lifeless. Yeah, I know it sounds really weird and geeky but its really how I feel.

Nways, since Im pressed for time, here are my random TOTs and kwentos:

Random Tot #1
Just left the office. Work really sucks. The more time I spend at the office, the more hopeless I feel about the work that Im in. I dont want to be stuck answering calls forever. It feels meaningless and really uninspiring. Totoo talaga na if pera lang ang habol mo sa trabaho mo, mawawalan ka talaga ng gana. Im not saying Im being paid really really well but the reason why Im staying is mainly because of the financial benefits that it offers. Goodluck na lang saken kung makaalis ako kaagad. With all the credit cards that I have to pay, it feels like Im gonna be stuck in my current job forever. That sucks.

Random Tot #2
Kaguluhan sa Pinas, na naman. Kausap ko si Mako ngayon, she's my friend who's currently in Japan (dun sya nambababae, hehe, peace friend!) and she's sooo worried about home. I told her not to worry cuz everything is ok. She's still worried. May threshold daw ang Pinas. I, on the other hand, always feel that the Philippines has got to be the most resilient country in the world. Paulit ulit man madapa, makakatayo pa rin. Nakakasawa nga lang minsan dahil ang pareho lang palagi ang dahilan kung baket nagkakagulo ang gobyerno. Agawan ng kapangyarihan. Lagi na lang naglalaban ang oposisyon at ang makagobyerno. Pag nakuha ng kabilang panig, pilit aagawin na naman ng kabila. Kawawa naman tayong mga mamayang nasa gitna, ipit na ipit na. Tsk tsk tsk.


Random Tot #3
Minsan ba'y pumasok sa utak mo na gusto mo ng mag-asawa? Gusto mo ng magka-baby? Madalas kasi yan mapadaan sa isip ko ngayon. Hindi ako nagpaparinig sa aking boypren. Im simply expressing what I've been feeling lately. Im not saying I want to get married right now. Its just that sometimes, I feel like I've done everything already and I want to move on to the next stage of my life. Haay, its hard when you get old. You start thinking of these adult stuff. Hehehe.

Random Tot #4
Sana malaki ang increase ko sa sweldo para makabili ako ng kung ano-ano. (Note: This is not a random thought. This is permanent stuck in my head, hehehe)

Random Tot #5
Kelan kaya ako pwede magabsent? Gusto ko magabsent dahil gusto ko magapply ng landline para magkainternet na ulit kami sa bahay. I miss blogging soooooooo much!

Random Tot #6
Wala na akong maisip. Naiinip na si Miguel. Ang tagal tagal ko kasi. Wala na syang mapuntahan website, ako naman ang dami pang gustong sabihin pero dahil gabi na at kelangan ng umuwi, fine, goodbye blog. Till we meet again.

People, read on lang. I miss reading your comments. I promise,once I have more internet time, dadaan ako sa mga blog nyo!

Saturday, May 28, 2005

At ako'y nagbalik!

Dalawang buwan! Dalawang buwan akong hindi nakapag internet. Isa akong taong bundok. Daig ko pa ang nakatira sa kuweba. Tsk tsk.

Sa bagay, wala rin naman akong masyadong maisusulat na kaaya aya. Same old, same old. Ang trabaho ay trabaho pa din. Inuulan kami ng sangkaterbang tawag ng mga aplikante ng Shopmore. Nakakapagod. Nakakasawa. Kung meron lang internet, hindi lang ito siguro ang masusulat ko. Marami pa sigurong pagrereklamo at pagmumukmok kesa dito.

Ang maganda lang sigurong pwede kong maisulat ko ay tungkol kay Miguelito kong payatot na hindi gaanong payatot ngayon. Oo, mataba na sya (refer to old pics, hindi na ganyan yan kapayat, hehe, tinira sa blog, bad gf)! Ang masakit nga lang, pati ako tumataba na ulit. Sira ang diet. Oh well, worth it naman. Masarap naman kumain e. At masarap makitang tumataba si Miguelito, hehehe.

Recently nga pala, nagpunta kami sa Puerto Azul for our company outing. As always, I was not able to swim. Stupid time of the month. Two years in a row na lang, sinasabayan niya ang outing namin. Hindi tuloy ako nakakapagswimming.

Eto, patikim. Ilang mga pics sa resort.



Pagkatapos ng Puerto Azul, nagpunta pa kami sa isang resort. Hindi ko na masyadong ikwekwento ang detalye kasi resort from hell ata yung napuntahan namin ng mga kaopisina ko. Buti na lang masasaya kasama ang mga kasama ko kaya bawi bawi lang.

In the end, the past 2 months have been pretty okay despite the few downsides (work in particular). I've had my share of summer escapades. I've spent sooo many wonderful times hanging out with my friends and especially with Miguel. Nawa'y sa susunod na pagsusulat ko rito, madami ulit akong makwento...