Maraming beses ko ng naisulat ang aking mga ginawang paghahanda para sa aking kasal...
Nagpaikot ikot ako kasama ng aking magiging asawa sa kung saan saan para lamang makahanap ng simbahan at venue na pagdadausan nito. Ilang araw, linggo't buwan ang aking ginugol para rito. Makalipas ang matagal na panahon (tatlong taon rin halos!) ay tila di na muling nabanggit pa ang ukol sa kasalan. Di ko na rin napagtuunan ng pansin ang paghahanda dahil sa mga pangyayaring sadyang nagbago sa ihip....agos ng aking buhay, ang aming pangingibang bansa.
Pero sabi nga ng marami, sa pinagkahaba haba man ng prusisyon, sa awa at gabay ng Diyos, sa kasal pa rin naman kami humantong. Kasama ng mga mahal ko sa buhay, natupad din ang aking pinakamimithing araw. Isang simpleng okasyon na dinaluhan ng mga pinakamalalapit na tao sa aking buhay.
Monday, November 30, 2009
KASAL
Talagang mabait ang Diyos. Tunay na ipinagkaloob niya sa akin ang isang mabuting lalaki na magiging katuwang ko sa panghabambuhay. Isang kaibigan na makakasama sa aming pagsisimula ng bagong buhay sa Canada.
Salamat po Panginoon...maraming maraming salamat.
Subscribe to:
Posts (Atom)