Monday, November 30, 2009

KASAL

Maraming beses ko ng naisulat ang aking mga ginawang paghahanda para sa aking kasal...

Nagpaikot ikot ako kasama ng aking magiging asawa sa kung saan saan para lamang makahanap ng simbahan at venue na pagdadausan nito. Ilang araw, linggo't buwan ang aking ginugol para rito. Makalipas ang matagal na panahon (tatlong taon rin halos!) ay tila di na muling nabanggit pa ang ukol sa kasalan. Di ko na rin napagtuunan ng pansin ang paghahanda dahil sa mga pangyayaring sadyang nagbago sa ihip....agos ng aking buhay, ang aming pangingibang bansa.

Pero sabi nga ng marami, sa pinagkahaba haba man ng prusisyon, sa awa at gabay ng Diyos, sa kasal pa rin naman kami humantong. Kasama ng mga mahal ko sa buhay, natupad din ang aking pinakamimithing araw. Isang simpleng okasyon na dinaluhan ng mga pinakamalalapit na tao sa aking buhay.



Talagang mabait ang Diyos. Tunay na ipinagkaloob niya sa akin ang isang mabuting lalaki na magiging katuwang ko sa panghabambuhay. Isang kaibigan na makakasama sa aming pagsisimula ng bagong buhay sa Canada.
Salamat po Panginoon...maraming maraming salamat.





Monday, October 26, 2009

bilang na ang aking araw...

ilang araw na lang...malapit na malapit na talaga. hindi ako makapaniwala na talagang matutuloy na ang aming pangingibang bansa.

sabi ng ng isa kong malapit na kaibigan, "its ironic" na ako pa ngayon ang aalis ng bansa... ako na kilalang makabayan at tutol sa pangingibang bansa.

isa lang ang sagot ko sa kanya...

life happens.

maraming mga bagay sa buhay na magtutulak sa iyong umiba ng landas. hindi mo talaga maipaplano ang lahat ng gusto mong mangyari...minsan ay kailangan mong bumitaw at hayaan magpadala.

pero pakatandaan, hindi ibig sabihin nito'y nabawasan ang pagmamahal ko sa aking bayan.

Wednesday, September 30, 2009

Weekend

Talaga namang kakaiba ang naging weekend ng buong Kamaynilaan at ilang kalapit bayan...


Hinagupit lang naman ito ng isa sa pinakamalakas na bagyo na itago na lang natin sa pangalang "Ondoy".

Ang buong akala ko'y simpleng pag-ulan lamang sya noong Sabado. Mayroon pa kaming planong magpunta ng Tagaytay upang maghanap ng simbahan pwedeng pagkasalan. Laking gulat ko na lang ng tinatawag na ako ng nanay ko mula sa ibaba at sumigaw ng "Baha!"

"Baha?!"

Hindi naman bumabaha sa aming bahay. Bumaha man noon ay dahil ito sa baradong kanal na kagagawan rin naman naming magkakapitbahay. Akalain mo ba namang magtapon kami ng mantikang pinaglutuan sa lababo sa tuwing maghuhugas kami nito.

Wala pang ilang oras, nawalan na ng ilaw at sa pagsilip namin sa labas ng bahay, animo'y white water rapids na pala ang aming kalye.

Noong kahapunan, ang buong akala nami'y humupa na ang ulan kaya't nagpasya kaming magpunta pa sa Cherry Fooderama para mamili ng makakain. Isang oras lang kaming nawala pero ramdam na namin na parang kakaibang tila ang ulang ito. Wala ng yelo sa grocery. Nagkakaubusan na rin ng kandila. Paguwi namin sa aming bahay, aba't akalain mong di na makadaan ang aming sasakyan. Napilitan kaming iwanan ito sa mataas na lugar at saka lumusong sa baha bitbit ang limang mabibigat na plastic bag. Pakatandaan na walang kuryente ng panahong ito at flashlight mula sa cellphone na tig 1500 lang ang gamit namin kaya't tila katapusan na ng mundo para sa amin.

Linggo ng umaga.
Di pa rin kami makalabas.
Wala pa ring ilaw. Maulan pa rin ng kaunti.

Linggo ng tanghali.
Inip na inip na kami at walang anumang balita sa labas kaya't napagpasyahan naming lumusong ulit sa baha upang makiusyoso sa labas.

Sa aming paglalakad, laking gulat namin ng aming makita ang tunay na hagupit ng ulan na nung mga panahong yun ay ni hindi nga namin alam na nagngangalan palang Bagyong Ondoy. Lubog ang halos lahat ng aming mga kapitbahay. Maraming kotse sa aming paligid na bubong na lamang ang nakikita. Ang dating highway sa labas ng aming subdivision ay nagmistulang relief center at libo libong tao ang naglalakad na basa at tila pagod na pagod.

Talaga palang matinding bagyo ang dumaan.

Lunes. Kailangan ng pumasok.
Kahit na hindi namin alam kung kami'y may madadaanan papuntang Greenhills ay minabuti naming baybayin ang Marikina upang makahanap ng daan paluwas. Kagilagilalas ang tumambad sa amin ng aming marating ang mismong bayan ng Marikina. Putik, bumaliktad na mga sasakyan at sirang mga establisyemento ang nasa buong paligid. Nakakatakot...at the same time...lubos rin ang aming pagpapasalamat sa Diyos sapagkat hindi kami inabot ng baha. Hindi ko ata kakayanin kung ang aming mga kagamitan na sya lamang naipundar ko ay tuluyang masisira. But then again...marami sa ating kababayan ang nawalan ng lahat, di lamang bahay...meron ding pati buhay.

Kahapon.
May kuryente na. Lahat halos na palabas sa TV ay tungkol kay Ondoy. Despite the tragedy, nanaig pa rin ang lakas ng mamayang Pilipino. People Power ulit...and this time the real thing. Totoong People Power 2. Ang daming taong tumutulong, kaliwa't kanan ang suporta. Nakakaiyak talaga.

Hindi ko akalain na mararamdaman ko ang ganitong pakiramdam. Pride. So proud of the Filipino people.

Mabuhay ka Ondoy! Pinatatag mo't pinakita sa buong mundo ang tunay na galing ng Pinoy.

Sunday, September 20, 2009

Another way of blogging...

i discovered a new way of blogging today...

i am now blogging using my ipod! i discovered an app in istore that directly links up my posts to my existing account on blogger.

thank god i bumped into this.. o havent blogged for the longest time and i really really miss writing. i've got so much to write, so many new things to share. life has really been pretty exciting =)

Sunday, February 22, 2009

2009 na at eto pa rin ako...

Its already 2009 and its soo funny that after all these years (these blog has actually come a long way) I still rant on and on about my work. Makes me wonder why I bother to write about it. Its actually quite sad and just down right pathetic.

Thank god for the perks cuz staying at the same company (its been almost 6 years already) that makes you want to hurl out your dinner everyday is simply stupid.

I want to write so much more now but unfortunately, I have gotten myself into a situation where I just need to shut up...for now.

To any lost and bored soul out there...pls dont get me wrong though.
The moment I step out of work, its a whole different story.

I get to be with people who make me laugh and happy all the time. I hang out with people who understand me despite my lack of quick wit combined with an abundance of unintelligible humor. I am even a blessed owner of 3, oh yes THREE, loving (un-housetrained Ü) doggies.

I am a vert happy person. Just dont get me started about work.