Monday, December 31, 2007

Walking the Dawgs!

Fun Fun day with our babies!

Sunday, December 30, 2007

Welcome 2008!


2008
Glitter Graphics



Princess Hours OST - A Dancing Teddy

A tribute to my all-time favorite Koreanovela

Monday, December 24, 2007

Sunday, December 23, 2007

Friday, December 21, 2007

Apat na araw na lang, Pasko na!






Puto bumbong is a much anticipated treat for every Pinoy once the Ber-months begin. Kasama ang niyog at muscovado sugar, omg, heaven talaga! Kung pwede lang araw-arawin, why not!












Usong uso na talaga ang mga kumukutitap na Christmas lanterns ng Pinas pero para sa akin, nothing beats the classic! We still use these lanterns up to this very moment and wala ng mas Pinoy pa dito!









Hindi pwedeng mawala ang Noche Buena! This is the highlight for each and every Pinoy sa pagdating ng Dec 24! Queso de Bola, Hamonado at maraming pang iba! This is why I love Christmas!









Kung walang Queso de Bola, HINDI PASKO!

Manila Sucks...Not!

Sa wakas, nakahanap din ako ng oras para makapamasyal, sa internet. Syempre, love your own, kaya ang una ko parating binibisita, ang aking one and only Sisidlan. =)

At sa wakas (ulit), may bumisita ulit dito pagkatapos ng napakahabang panahon. Iniisip ko na lang, siguro lahat ng tao, katulad ko mag-isip, "love your own", kaya sarili lang nilang blog ang tinitingnan nila. Hehe. Pero napaisip ko...dahil nga sa madalas ay kwento ukol sa sarili lamang ang aking naisusulat dito, talaga namang walang magkakainterest na bumisita rito. Maliban na lang kung meron akong tagahanga...o di kaya'y isang kakilala na walang magawa. Hehe.

Sabi ng aking kaibigan sa aking CBOX, "Manila is one hello hole".
Sa aking pananaw, mukang panlabas lamang na kaanyuhan ng Maynila ang kanyang nakikita. Hindi ko siya masisisi. Asahan mong tatambad sa iyo kung ikaw ay nasa Maynila ang masisikip na mga daan kahit saang sulok ka pa magpunta. Nakakalat ang mga bata't pulubi sa daan. Tambak na ang mga basura, masangsang pa ang amoy. Naglipana din ang mga mandurukot at masasamang loob. Lahat yan asahan mong makita at maranasan sa Maynila.

Pero ang hindi nakikita ng ilan, may puso ang Maynila. Dahil kasabay ng mabilis na pagdaloy ng samu't saring mga tao sa daan, may isang taong may ginagawang makabuluhan.

Marahil isang pintor sa loob ng kanyang maliit na apartment ang matiyagang binubuo ang kanyang maestra. Siguro, may isang masigasig na estudyante ang nag-aaral upang makamit ang pangarap na medalya. Hindi rin malayong may isang magulang ang kumakayod ng walong oras upang makapag-uwi ng makakain at maipangtutustos sa kanyang pamilya. Mayroon ding isang lalaki ang matiyagang dumadalaw sa isang dalaga upang bihagin ang puso nito. Malamang may isang nanay din ang nagmamadaling mailuto ang hapunan upang sa pagdating ng buong pamilya't sabay sabay na makapagsalo-salo.

Naniniwala ako na habang may ganitong mga eksena sa bawat buhay ng isang ManileƱo, isa pa ring magandang lugar ang Maynila. Panget man sa unang tingin, ngunit kung tunay mo itong kilala, hindi mo kailanman ipagpapalit sa ano mang mas maganda o mas maunlad na siyudad.


To Mako: Alam kong dito tayo lubusang nagkakaiba na pananaw ngunit bilang kaibigan, alam ko ring lubusan mo akong naiintindihan!

Mabuhay ka sapagkat muli mong napukaw ang aking isipin at kiniliti ang aking diwa. Salamat.

Sunday, December 16, 2007

Trabaho

I hate work.

I hate work so much that to think about it makes my head ache. Makes me feel like blah.

Ang malaking katanungan ngayon ay eto...ako lang ba ang taong ganito ang nararamdaman? A big chunk of the world's population (a really big chunk!) is part of the working force. Assuming that I'm not as unique as I once thought I was, then a big chunk of the big big big chunk must also feel like me. If that's the case, then the world must really really be a sad place to be in right now. It seems that most of the people are living in a box that's just not made for most of the people to fit into.

I feel bad. So much for an epiphany.

Wednesday, December 12, 2007

Stressed Out, Disappointed

Ibang klase talaga ang pwedeng mangyari sa tao kapag na-stress na ito.
I have definitely proven it several times already for the past few months pero talaga namang lalo ko itong nakita sa isang engkwentro kagabi sa opisina.

Hindi na kailangan pang bumanggit ng mga pangalan. Hindi na rin siguro kailangan pang i-kwento ang mga pangyayari. Ang mahalaga ay mailabas lamang ang aking nararamdaman ukol dito.

Una sa lahat, walang karapatan ang sino mang ipamukha sa isang tao na animo'y wala siyang ginagawa't tinatrabaho. Alam ng lahat ng tao kung gaano kalaki ang aking pagod at paghihirap upang masigurong ang lahat ay natutulungan, ang lahat ay naaasikaso. Panghihimasok ang ginagawa ng isang tao kung pati oras ng pag-uwi ay paghahanapan ka pa rin ng trabahong dapat ay siya na ang namamahala.

Pangalawa, kung hindi mo kaya ang trabaho mo, umalis ka na diyan. Pantay pantay lang tayo ng ginagawa. Huwag na huwag mong ipapamukha na mas marami kang ginagawa kaysa sa kaninuman. Lamang ka lang sa paggawa mo ng mga reports at pagharap sa boss. Pero believe me, it doesnt prove that you do more. Lahat ng tao ay ayaw ng makipagusap sayo dahil sa ugali mo. Kung alam mo lang.


Kaya kung magsulat buong araw tungkol sa iyo. Ganyan ako kagalit. Pero ayaw ko ng sayangin pa ang aking pagod at oras para lang sa iyo.

Hindi man ako ang makapagsabi sa iyo ng mga bagay na ito...alam kung sa takdang panahon ay isasampal din sa iyo ang mga maling ginagawa mo sa aming lahat. Hindi lamang ako ang iyong biktima, tandaan mo yan.

Sunday, December 09, 2007

Kasal

Sa loob ng dalawang linggo, dalawang kasal ng kaibigan ang aking nadaluhan.
Sadyang ang buwan ng Disyembre ang paboritong buwan ng mga magsing-irog upang idaos ang kanilang pag-iisang dibdib. Hindi lamang dahil sa lamig at aliwalas ng panahon kundi't lalo na dahil sa ito rin ang buwang tila lahat ng tao ay may pera.

Sadyang hindi biro ang pagpapakasal. Isa akong patunay sapagkat halos magdadalawang taon na rin ng ako ay yayaing magpakasal ng aking kasintahan. Ngayon pa lamang kami nakakapagsimulang mag-ipon sapagkat sadyang napakahirap ng buhay. Maraming mga gastusing di inaasahan ang bigla na lamang sumusulpot.

Isa lang ang aking ipinagdadasal ngayon. Sana ay tuluyan na naming maipon ang aming kinakailangan upang matupad ang minimithing pagpapakasal. Excited na talaga kaming dalawa, sa totoo lang.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Here are some of my thoughts on weddings:

1. Nothing can beat how food can leave the best impression on people attending weddings.

This I have proven after attending Jopet's wedding which was catered by Barci. Its a conference/convention center where Jopet and his wife had their reception. Lechon was a highlight. Its been a while since I last attended a wedding that had lechon. Basta Pinoy, di pwede mawalan ng lechon.

The Texas Ribs was also a winner. So was the Seafood Ala Pobre and even their dessert, oh heaven, Mango Tapioca! If these people can cater a wedding in Batangas, expect them to be my caterer.

2. Weddings must always be personalized.

When I say personalized, I mean, the wedding should obviously show what the "couple" is all about. And that was what Tintoy and Peewee had on their wedding last night. I've attended hundreds of weddings already but it was my first time to witness such an event wherein everything about the couple could be felt. From their table names (titles of their favorite movies) to their presentation (the brother of the bride is a bartender and so he was the one who prepared the couple's drink - take note, a performance like no other with the twirling of the bottles and the shakers pa!), everything was truly well thought of by the couple.

3. Location definitely counts.

When planning the location of the church and reception venue, the location must definitely be considered, most especially the traffic condition. Need I say more/

4. Never be late.

We were late last night (take a big guess on why...clue...see item # 3). Its really a no no even if you're only a guest. Although the bride and groom barely noticed, everyone else did.

Saturday, December 01, 2007

On Substance

Gusto kong maging mas makabuluhan ang aking pagsusulat.
Hindi lang basta kwento at ritrato.
Hindi gusto ng tao ang makarinig ng kwento't pananaw na nauukol lamang sa kanyang sarili.

Nakakasawa.
Pathetic.

Gagawin ako ang aking makakaya upang makapaghatid ng mas may saysay na panulat. Mga imahe na mas makabuluhan.

Sayang naman ang pagkakataon.
Sayang na sayang.

Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataong makagawa ng bagay na may halaga. Gusto kong gamitin ang naibigay sa aking oras at pagkakataon.

Thursday, November 29, 2007

Ang Simula ng Bagong Kabanata

Humanda kayong lahat sa aking pagbabalik.

I am now empowered. I have been given the freedom to be online til my eyes pop out.

I love you DSL!!!!

Saturday, November 10, 2007

A New Member of the Family

Its been 4 months now. Ganun pa lang ang pakiramdam. May dagdag na kinang ang buhay simula ng dumating siya sa amin. Parating masaya. Minsan pasaway pero at the end of the day, mapapangiti ka pa rin.


Meet my baby brother Pompom...


Boldstar

Saturday, September 08, 2007

Tamad Magsulat



Ako yan kasama si Jen at Eggy.
Bday ni Miguel yan.
Bigla lang akong nagandahan sa picture.
Ewan kung baket.


Mga katrabaho.
Yan ang ginagawa namin after a long and stressful day. I dont know if that comes out naturally or epekto ng stress.
Either way, it looks funny.




BDO-EPCI Migration Pep Talk.


We were so happy then...
How I wish they've been honest with the load of work.

Screw the merger.



Highschool friends...
Thats us now. Ang gaganda namin.
I miss them a lot.

Pagod

Matagal tagal din akong hindi nakapagsulat. Kulang sa oras, salat sa panahon. Ganyan ang buhay ko ngayon. Hindi ko inakalang aabot ako sa punto na kulang parati ang oras para sa trabaho. Nakakapagod. Nung una naaaliw pa ako pero nakakapagod pala.

Thursday, June 21, 2007

Harry Potter Order of the Phoenix International Trailer

Can't Wait to see this!

Free Time!

I've recently rediscovered the internet. I haven't been blogging for quite a while but I seem to have found myself trotting even the onset of rain just to be able to blog, kahit na kaunti lang.

Things seem a bit more peaceful at the office now. For some weird reason, things seemed to have gone back to how it was before. Friends who became enemies are friends again (I hope Im reading it right). It feels nice. Mahirap kasi kapag may hostility and conflict at the work place. A stressful job turns into a hellish workplace. Mahirap yun.

But now that things seem to be straigthening out on its own, I begin to feel better too.

Sana tuloy tuloy na...

Friday, June 15, 2007

Pictures Sometimes Really Speak Louder Than Words

DSC00239

Hanging Out with Jenn and Eggy at Balai Isabel

One Luv
Happy Birthday Miguel! One Luv Mun!




P4220074
Digicams Can Get Nasty. No pore is left unseen.




P4230080
Loving Work. Not!

Buo

Sa unang pagkakataon, nakakilala na rin ako ng isang tao ng matatawag kong, BUO.

At siya ay si Ian.

Si Ian ay dati kong katrabaho. Nagpasya siyang umalis sa trabaho mga dalawang buwan na ang nakakaraan. Noong una naming nalaman na nagbigay na siya ng kanyang resignation letter sa aming boss, gulat na gulat ako. Hindi ako makapaniwala sapagkat napakalaking pagkakataon ang kanyang pakakawalan. Dapat sana ay makakausad na siya sa posisyong pagka manager mula sa pagiging junior officer. Napakarami ang binalak ng aming boss para sa kanya dahil sa mahusay niyang pamumuno sa aming grupo at dahil sa malaking tuloy niya sa kumpanya.

Ngunit hindi niya hinayaang masilaw ang sarili sa mga pangako ng pag-unlad sa isang trabahong hindi na nagbibigay sa kanya ng tunay na kasiyahan at inspirasyon. Kahit na kasigurahan sa larangan ng pamemera ang ibinibigay sa kanya nito, bumitaw pa rin siya. Hindi ito ang ninanais niya at alam niyang hindi siya tunay na magiging masaya.

Noong mga unang ilang linggo na wala na siya sa opisina, panghihinayang pa rin ang aming naiisip sa tuwing siya ang napag-uusapan ngunit sa kanyang pagdalaw sa amin kagabi, natanto ko na hindi siya nagkamali sa kanyang naging desisyon. Nagkaroon ng kakaibang kinang ang kanyang mga mata habang kinukwento ang kanyang mga plano ngayo't isa na siyang flight steward. Ang pagkakataong makapaglakbay ay isa sa mga bagay na talaga namang kinapapanabikan niya. Malayo man siya sa amin, alam niya na hindi matutularan ng kahit anupaman ang pagkilala sa iba't ibang tao't kultura na kanyang makakasalamuha. Naniniwala ako dito sapagkat masasabi mong isa kang tao na sadyang maraming alam kapag nakapaglakbay ka't nakilala ang malawak nating mundo. Sa bawat salitang kanyang bigkasin, bigla kong nakita ang isang tao na alam ang kanyang gustong gawin, gusto ang kanyang ginagawa, isang kaibigang tunay na buo ang katauhan.

Sana'y matamo ko rin ang pagkabuo ng aking sarili. Sana.

Sigurado lang ako na magagawa ko ito kung sisimulan ko ang pagtahak sa daan patungo rito...

Saturday, May 26, 2007

Miguel Turns 30!

Maligayang Bati Miguelito!

Kahapon idinaos ni Miguel ang kanyang 30th birthday! Grabe, isang taon na lang at wala na sya sa kalendaryo =) Matanda na ang aking boypren. Mwehehehe.

Nakakapagod ang buong araw sapagkat kahit na 30 na sya, drayber pa rin sya ng kanyang nanay. Despite being tired though, it became special since our families finally had the chance to be together to celebrate the day.

We had dinner at Cloud 9 (pictures to follow!) at kumpletong nagsalo salo ang pamilya nya at pamilya ko. First time sya and it turned out to be fun. Akala ko pa nung una magkakailangan pero hindi rin naman pala. Nagkaroon ang lahat ng pagkakataon na mas magkakilala. Kasama pa syempre ang pamangkin nyang si Carlos na sadya naman kyut na kyut kaya lalo pang naging mas masaya. Marami pang masayang kwento pero sa susunod na ulit dahil as usual...kulang sa time.

Happy Birthday ulit Miguel!

Tuesday, May 22, 2007

On being brave...

Isa na namang pagkakataon para makapagsulat...salamat.

Marami rami na ring mga bagong pangyayari sa aking buhay na gusto ko sanang ikwento sa sino mang maliligaw at magaabalang sumilip sa aking mga kwento...

Una na rito ang aking paglalakas loob na harapin ang isang bagay na kinatatakutan upang makamtan ang isang matagal ng ninanais...ang maiba naman ang ginagawa. Matagal na rin akong nagtatrabaho bilang isa Customer Service Officer ng BDO. Matiyaga kong napagpasensyahan ang mga tanong, hiling at reklamo ng samu't saring mga tao. But i guess you will reach a point in your life when you just want to do something else. Mga ilang beses na ring pumapasok sa aking isipan ang paglipat sa ibang team para maiba namang ang aking ginagawa. Patumpik tumpik nga lang ako dahil sa takot na hindi payagan or worst, mapagalitan. Pero at last, nakapaglakas loob din ako noong Huwebes. Biglang bigla ang pagkakataon and I knew that if I let it pass, I would never get the chance to speak up again.

I did it. Nasabi ko sa kanya na gusto ko ng lumipat sa ibang team. It was a very light conversation with the boss who I feared so much. Mabilis lang ang usapan pero I knew it made a difference. I was able to show her my intentions and I knew I'd be given the chance.

Hindi kailanman tayo dapat magpatalo sa takot. Cowardice gets us nowhere. It only brings us disappointment once we realize the opportunities we've missed if we let it get the best of us. For once in my life, Im happy that I overcame my fear.

Wednesday, May 09, 2007

Para Lang Alam Nyo Pa...

Over the past few months...kahit papaano, may happenings naman sa buhay ko...

Nakapag Talisay kami nung Holy Week

DSC00232


Tumaba ako
P4290124


At madami pang iba....

Sa susunod na lang, si Jenny kasi baka daganan ako.

Matanda na nga ba ako?

Apat.

Apat na buwan akong hindi nakapagsulat sa aking blog.
Nilangaw, nabulok at halos patay na ang blog ko. Nakakaawa.

Kung meron lang sana akong pagkakataon na makapaginternet parati, ang dami ko na sanang naikwento pero tila kulang parati ang oras. Hindi dahil sa madami akong ginagawa kundi dahil sa parati kong nararamdamang pagod or di kaya't tinatamad ako. Iniisip ko nga madalas kung ito ba ay isang pagpapatunay na talagang tumatanda na nga ako. Ano nga ba ang madalas kong nararamdaman ngayong malapit na akong magdalawampu't walong taong gulang...


1. Madaling mapagod.

Kung dati ay kaya kong mag-ikot sa mall ng isang buong araw ng walang nararamdamang pagod (exception na siguro ang manakanakang pagatake ng aking pulikat), ngayon ay isang oras pa lang akong nagiikot ay nananakit na ang aking mga tuhod at patang pata sa oras na ako ay umuwi.

2. Makakalimutin.

Kung dati ay kaya kong kumabisa ng mangilan ngilang pahina bilang paghahanda sa isang test, ngayon ay ang simpleng kaarawan ng aking mga kaibigan ay nalilimutan ko na rin. Minsan ay tatayo ako, kukuha ng tubig sa ref ngunit sa oras na makarating na ako sa ref ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

3. Hindi na interesado pa sa anumang bagay

Maliban sa panonood ng Heroes, wala na ata akong ibang gustong gawin. Hay buhay.


Sa totoo lang, marami pa akong gustong sabihin pero as usual, im pressed for time. Sana talaga magkaroon na ulit ako ng sarili kong computer at internet access...