Ibang klase talaga ang pwedeng mangyari sa tao kapag na-stress na ito.
I have definitely proven it several times already for the past few months pero talaga namang lalo ko itong nakita sa isang engkwentro kagabi sa opisina.
Hindi na kailangan pang bumanggit ng mga pangalan. Hindi na rin siguro kailangan pang i-kwento ang mga pangyayari. Ang mahalaga ay mailabas lamang ang aking nararamdaman ukol dito.
Una sa lahat, walang karapatan ang sino mang ipamukha sa isang tao na animo'y wala siyang ginagawa't tinatrabaho. Alam ng lahat ng tao kung gaano kalaki ang aking pagod at paghihirap upang masigurong ang lahat ay natutulungan, ang lahat ay naaasikaso. Panghihimasok ang ginagawa ng isang tao kung pati oras ng pag-uwi ay paghahanapan ka pa rin ng trabahong dapat ay siya na ang namamahala.
Pangalawa, kung hindi mo kaya ang trabaho mo, umalis ka na diyan. Pantay pantay lang tayo ng ginagawa. Huwag na huwag mong ipapamukha na mas marami kang ginagawa kaysa sa kaninuman. Lamang ka lang sa paggawa mo ng mga reports at pagharap sa boss. Pero believe me, it doesnt prove that you do more. Lahat ng tao ay ayaw ng makipagusap sayo dahil sa ugali mo. Kung alam mo lang.
Kaya kung magsulat buong araw tungkol sa iyo. Ganyan ako kagalit. Pero ayaw ko ng sayangin pa ang aking pagod at oras para lang sa iyo.
Hindi man ako ang makapagsabi sa iyo ng mga bagay na ito...alam kung sa takdang panahon ay isasampal din sa iyo ang mga maling ginagawa mo sa aming lahat. Hindi lamang ako ang iyong biktima, tandaan mo yan.
Wednesday, December 12, 2007
Stressed Out, Disappointed
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
whoa...galit mits
Post a Comment