Friday, December 30, 2005

Bagong Taon na, bagong buhay na nga ba?

Isang tulog na lang, taong 2006 na.

Hindi ako makapaniwalang dumaan na ang 12 buwan, 366 na araw, 8784 na oras ng aking buhay(ang galing, nacompute ko kung ilang oras meron sa isang taon!)! Tapos na ang 2005 at sadyang napakaraming bagay ang nangyari sa aking buhay ngayong taon. Eto ang ilan sa mga mahahalagang bagay na nais kong sariwaan sa pagsasara ng taon...


1. Hyenas


Hyenas


Napakasaya ko dahil ngayong taong ito, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama muli ang aking mga kaibigan noong kolehiyo. May bonus pa dahil naging kaibigan din nila ang aking bisfreni. Hindi man naging madalas ang aming pagkikita, sadya namang ang bawat paglabas, panonood ng sine, pagsakay sa sasakyan ni Mako, panlalait sa isat isa ay sadyang hindi ko kailanman makakalimutan.



2. Miguelito


@market market!


Halata naman siguro sa blog na ito kung sino ang taong tinutukoy ko. Mangilanngilan na ring mga entries ang naisulat ko ukol sa kanya. Siya ang pinakamamahal ko. Ang magiging katuwang ko sa buhay, kaibigan at nawa'y maging ama ng aming magiging mga anak. Hindi ko kailanman makakalimutan ang taong nagdaan sapagkat naging tunay na masaya, makabuluhan at makulay ito dahil sa kanya.



3. Bada Van
Bada Van and Miguel


Itong taon na ito, nasubukan ang tapang ko sa pagharap sa isang tunay na balakid. Itong taon na ito nawalan ng trabaho ang aking mama. Noong una kong malaman na tinanggal na sya sa pinatatrabahuhan nya ng halos sampung taon, akala ko ay guguho na ang aking mundo. Hindi ko alam kung papaano ko susuportahan ang aming pangaraw araw na gastusin at pangtustos. Awa ng Diyos, mukang nakakaraos pa rin naman. Nakabili ang nanay ko ng isang van na ginagamit namin bilang shuttle, pampasaherong sasakyan na sinasakyan ng mga nagoopisina sa Makati at Ortigas. Tama lang ang kinikita nito upang pambayad upa at pangkain (at in fairness, nagkaroon na rin kami ng sarili naming sasakyan, sa wakas). Resilience at its finest. One of the few times that I really experienced real life challenges.



4. Paglabas ng tunay na kulat atbp

Note: Di pwede lagyan ng retrato. Mahahalata kung sino e.

Ngayong taong ito, marami akong mga kakilala na sadyang lumabas ang tunay na kulay. Ang mga dating inakalang mababait at tunay na tao...hindi pala. Palaging kaakibat ng paglipas ng panahon at magaganda at mga masasama ring mga pangyayari. Isa na siguro ito sa mga negatibong natutunan ko ngayong taon na ito. Sadyang madamig tao sa mundo ang mas pinahahalagahan ang kanilang mga sarili kaysa sa kapakanan ng kaibigan. Nakakapanghinayang ngunit sadyang bahagi ito ng buhay.



5. Pagtatapat at Kasalan


the ring



Ito na ata ang pinakakapanapanabik na pangyayari na naganap ngayong 2005! Ang matinding proposal ni Mr Miguel Claro. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang Mitch Villegas ay makakaranas ng totoo at hardcore proposal (with matching engagement ring na nakalagay sa panna cotta!). Sa totoo lang, never in my wildest dream did I ever think that this could happen to me. Hindi naman sa ang tingin ko sa sarili ko ay hindi ako espesyal. Sa mga nakakakilala sa akin, alam kong maiintihan ninyo ako. Simple lang naman kasi ako, I love and hope to be loved back. Kung humantong man sa kasal, so be it. Pero hindi kailanman ako naging tipo ng tao na nagimagine kung paano ba magpopropose sa akin ang aking boypren. Hindi ko rin man inisip kung paano ako ikakasal. Pero eto ako ngayon, tinatanong ni Miguel kung nais ko ba syang pakasalan, hawak ang singsing, nanginginig pa nga sa kaba. "Will you marry me, Maria Michelle Villegas?". Hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa isip at puso ko ang boses nya nung tanungin nya ako. I felt so happy. Oo at wala ng iba pa ang unang pumasok sa isip ko. "Yes! Yes" naman kaagad ang sinagot ko! May kasama pang iyak yan.

Tuesday, December 27, 2005

Holiday Rush

The holiday rush is finally over! Finally!

Pag panahon talaga ng kapaskuhan, lahat nagrurush! Nagrurush ubusin ang kanilang mga pera. Sa kasawiang palad, kasama ako sa mga taong ito. As of today, 12/27/05, I am officially broke. Wala na ako, ni singkong duling.

Pero kahit papaano, kahit na naubos na ang aking bonus, sweldo at iba pang nakulimbat na pera mula sa pera ng aking inay, masaya na rin ako dahil marami rami rin akong napamili para sa aking sarili at para sa aking mahal sa buhay. Nagpapasalamat na rin ako dahil kahit naghihirap na ang buhay, nagagawa pa rin namin ang mga simpleng bagay tulad ng pagsho-shopping at pamamasyal kasama ang pamilya.

At dahil holiday rush, rush din ang pagsusulat ko. In a few seconds, maaaring maghang ang aking engot na computer dahil hindi kaya ng fan ng computer ko ang init ng processor. Sayang, hindi ako nakabili ng bagong fan para sa PC. Ganyan kasi pag holiday rush, sa pagmamadali mo, marami ka pa ring nakakalimutang bilhin.

Thursday, December 22, 2005

Good News Galore!

I’m soo happy! Full to the brim with good news!

Here we go…

1. I’m Engaged!

Oh yes, he proposed! My Bibi proposed and asked me to marry him last week, December 12. With the ring and the “Will you marry me line” pa! Totoo na talaga to! I can’t believe it! I’m so overwhelmed and cannot believe that I’d be someone that someone would actually proposed to. Never in my wildest dreams did I ever think that something like this could happen to me. Not everyone girl gets the chance to experience something this overwhelming which makes me appreciate it so much more. I can’t wait to make kwento about all this in detail (wait for the next post!)

2. I have a landline! At last!

Yes, another good news! After waiting for days, months, years…I finally have a landline na! And take note, PLDT line, not the old crappy PT&T line that we used to have a few years back. I finally have internet!

3. I can blog blog blog blog!

Yes! Blogging! Buhay na naman ako!

I have soo much kwento! Hintayin niyo lang! Im back in the ball game! Magsasawa kayo sa blog ko, promise!