Apat.
Apat na buwan akong hindi nakapagsulat sa aking blog.
Nilangaw, nabulok at halos patay na ang blog ko. Nakakaawa.
Kung meron lang sana akong pagkakataon na makapaginternet parati, ang dami ko na sanang naikwento pero tila kulang parati ang oras. Hindi dahil sa madami akong ginagawa kundi dahil sa parati kong nararamdamang pagod or di kaya't tinatamad ako. Iniisip ko nga madalas kung ito ba ay isang pagpapatunay na talagang tumatanda na nga ako. Ano nga ba ang madalas kong nararamdaman ngayong malapit na akong magdalawampu't walong taong gulang...
1. Madaling mapagod.
Kung dati ay kaya kong mag-ikot sa mall ng isang buong araw ng walang nararamdamang pagod (exception na siguro ang manakanakang pagatake ng aking pulikat), ngayon ay isang oras pa lang akong nagiikot ay nananakit na ang aking mga tuhod at patang pata sa oras na ako ay umuwi.
2. Makakalimutin.
Kung dati ay kaya kong kumabisa ng mangilan ngilang pahina bilang paghahanda sa isang test, ngayon ay ang simpleng kaarawan ng aking mga kaibigan ay nalilimutan ko na rin. Minsan ay tatayo ako, kukuha ng tubig sa ref ngunit sa oras na makarating na ako sa ref ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin.
3. Hindi na interesado pa sa anumang bagay
Maliban sa panonood ng Heroes, wala na ata akong ibang gustong gawin. Hay buhay.
Sa totoo lang, marami pa akong gustong sabihin pero as usual, im pressed for time. Sana talaga magkaroon na ulit ako ng sarili kong computer at internet access...
Wednesday, May 09, 2007
Matanda na nga ba ako?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment