Isa na namang pagkakataon para makapagsulat...salamat.
Marami rami na ring mga bagong pangyayari sa aking buhay na gusto ko sanang ikwento sa sino mang maliligaw at magaabalang sumilip sa aking mga kwento...
Una na rito ang aking paglalakas loob na harapin ang isang bagay na kinatatakutan upang makamtan ang isang matagal ng ninanais...ang maiba naman ang ginagawa. Matagal na rin akong nagtatrabaho bilang isa Customer Service Officer ng BDO. Matiyaga kong napagpasensyahan ang mga tanong, hiling at reklamo ng samu't saring mga tao. But i guess you will reach a point in your life when you just want to do something else. Mga ilang beses na ring pumapasok sa aking isipan ang paglipat sa ibang team para maiba namang ang aking ginagawa. Patumpik tumpik nga lang ako dahil sa takot na hindi payagan or worst, mapagalitan. Pero at last, nakapaglakas loob din ako noong Huwebes. Biglang bigla ang pagkakataon and I knew that if I let it pass, I would never get the chance to speak up again.
I did it. Nasabi ko sa kanya na gusto ko ng lumipat sa ibang team. It was a very light conversation with the boss who I feared so much. Mabilis lang ang usapan pero I knew it made a difference. I was able to show her my intentions and I knew I'd be given the chance.
Hindi kailanman tayo dapat magpatalo sa takot. Cowardice gets us nowhere. It only brings us disappointment once we realize the opportunities we've missed if we let it get the best of us. For once in my life, Im happy that I overcame my fear.
Tuesday, May 22, 2007
On being brave...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment