Tuesday, August 09, 2011

Anghel ng Buhay



Malugod kong ipinakikilala ang anghel ng aking buhay. Siya ang dahilan kung bakit ako parating nakangiti at masaya kahit na naninirahan sa dayuhang bansa at malayo sa piling ng pamilya at mga kaibigan.


Hindi ko ipagkakaila na bago ako magkaroon ng sarili kong supling ay sadyang wala akong kahilig hilig sa mga bata. Nagkaroon nga ng punto sa aking buhay na ayaw kong magkaroon ng anak sapagkat hindi talaga ako mahilig sa bata ngunit sa muling pagsabay ko sa agos ng aking buhay, ako'y binayayaan ng isang munting sanggol. Nakakagulat ang lahat ng pagbabagong naganap sa aking buhay at pati na rin ang pagbabago sa aking katauhan. Maliit man siya'y animo'y higante siyang biglang pumasok sa buhay naming mag-asawa at lahat ng dating nakagisnan ay tuluyan na nga naming nilimot.







Wednesday, May 18, 2011

Francesca Isabelle



Talaga namang marami ng pagbabago sa aking buhay simula ng una kong simulan itong aking blog. Ngayon ay may hinihintay na akong supling na magiging bahagi na ng aming buhay...






Sunday, January 23, 2011

Banyuhay

Talagang hindi mo masasabi kung saan ka dadalhin ng agos ng buhay. Hindi kailanman pumasok sa aking isipan na ako ay maninirahan sa dayuhang bansa pero eto ako ngayon, residente ng bansang Canada.

Napakaraming pagbabago sa aking buhay simula ng ako ay dumating dito. Bagong kultura, bagong klima...bagong ilog na naman na aking tatahakin sa pagdaloy ng aking buhay.