Sabi ko sa huli kong post, sinulat at tinaga ko pa nga sa bato na ang magiging kasunod na post ko ay isusulat ko mula sa aking bahay pero sa ngayon, i take it all back. Once again, I am blogging straight from my only hope, Netopia. Tinanong ni Mako kung ano ang nangyari sa aking plano na pumila sa PLDT upang magpakabit ng telepono...well, hindi ako pumila, wala pa rin akong telepono sa bahay at ang pinakamalala sa lahat, kasalukuyang sira ang aking computer. What else could be worst than this? Kahabag habag na Mits.
Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Mapapagawa ko rin ang PC ko. Malaon ay magkakaroon ulit ako ng internet sa bahay, promise ko yan sa sarili ko.
Enough with the rantings. I've got plenty of time now so I can write lotsa stuff. Sa sobrang dami kong gustong sabihin, ililista ko na lang siguro para mas organisado at sigurado pang masusulat ko lahat talaga.
1. Graveyard Shift
Ako na ata ang pinakamasayang CSO sa balat ng lupa (well, aside from Jenny, of course! ). Kasalukuyan akong nasa graveyard shift and nothing could be better than this. Kung dati, pakiramdam namin ay parang mamamatay kami sa oras na papasok na kami ng opisina, ngayon naman ay parang nagbabakasyon lang kami. Parang hindi sa trabaho ang punta ko. Halos walang tawag, malayo sa intriga sa opisina, hindi ko nakikita ang boss ko and best of all, nakakapaglaro ako ng DIABLO II buong gabi! Kung araw araw ba naman ay ganito ang gagawin ko sa opisina, sino pa ang gustong bumalik sa dayshift? Loko loko lang ang gugustuhin pang sumagot ng libo libong tawag pag umaga! I'll chose the graveyard shift anytime!
2. Cowboy Mako
2 or 3 days ago, I witnessed my friend at her VERY best. What I saw could not be topped by anything on this planet! etong si friend ko, abat biruin mo ba namang nakipagkita sa amin na naka COWBOY hat! yes, COWBOY hat po. dito sa pinas, oo, uso na yung mga groovy clothes. ok na ok maging iba pero hindi pa masyadong madaling tanggapin ang mga hats, lalo na kung cowboy hat...at lalo na kapag kaibigan mong bagong parebond ang naka cowboy hat, grabe talaga! Sayang lang at wala akong way para mag upload ng pic now para mapakita ito. abangan niyo na lang siguro sa blog ni jenny (http://ratsky.blogspot.com), sya ang magpo-post ng pics ni binibining mako.
3. Missing my friends
I have not seen my friends in a very very long time. I just saw Mako now but only for an hour and for the very last time pa. Babalik na naman sya sa Japan para mambabae. Kunwari lang yang nag-aaral. Sa totoo lang, nambabae lang yan. Isusumbong kita sa nanay mo. Tandaan mo, I have her cellphone number. Hehe. Pero sa totoo lang, sobrang bigat ng feeling ko kanina nung nagpaalam ako sa kanya. I know Im not the senti type at marahil baka kilabutan at masuka sya pag nabasa niya to pero for real, I really felt sad. It sucks that she's leaving. Ang saya saya kasi pag magkakasama kaming mga hyena girls (jenny, jen, mako ang yours truly). Walang humpay na tawanan, laitan, gaguhan pero take note, pag nagkwentuhan naman, may sense din naman. I feel open with them. I get to say anything and I dont feel awkward or weird cuz I know these are the people who know who I really am and understand me.
I also miss my highschool friends. I have not seen them in a very very long time. Ang daming bagong kwento and gusto ko malaman kung anu-ano na ang nangyayari sa kanila.
4. Loving Miguel more and more
Miguel and I recently celebrated our 8th month "anniv" as a couple. At sa walong buwan na pagsasama namin, Im still amazed at how things are going so well for both of us. Hindi ako makapaniwala na makakahanap ako ng isang tao na tulad nya. Lagi akong masaya kapag kasama ko sya. Magkaroon man kami ng di pagkakaintindihan, madali naming naaayos ang lahat. Loving him is effortless.
5. On blogging
I MISS BLOGGING SOOOO MUCH!
Friday, August 19, 2005
Pahiya, Inaantok, Cowboys, ATBP...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
I wish you two things: 1. Sana maayos na computer mo. 2. Good luck to your relationship with miguel. And Nice articles. You have a brilliant mind. Keep it up!
Post a Comment