Hindi ako makapaniwalang dumaan na ang 12 buwan, 366 na araw, 8784 na oras ng aking buhay(ang galing, nacompute ko kung ilang oras meron sa isang taon!)! Tapos na ang 2005 at sadyang napakaraming bagay ang nangyari sa aking buhay ngayong taon. Eto ang ilan sa mga mahahalagang bagay na nais kong sariwaan sa pagsasara ng taon...
1. Hyenas
Napakasaya ko dahil ngayong taong ito, nagkaroon ako ng pagkakataon na makasama muli ang aking mga kaibigan noong kolehiyo. May bonus pa dahil naging kaibigan din nila ang aking bisfreni. Hindi man naging madalas ang aming pagkikita, sadya namang ang bawat paglabas, panonood ng sine, pagsakay sa sasakyan ni Mako, panlalait sa isat isa ay sadyang hindi ko kailanman makakalimutan.
2. Miguelito
Halata naman siguro sa blog na ito kung sino ang taong tinutukoy ko. Mangilanngilan na ring mga entries ang naisulat ko ukol sa kanya. Siya ang pinakamamahal ko. Ang magiging katuwang ko sa buhay, kaibigan at nawa'y maging ama ng aming magiging mga anak. Hindi ko kailanman makakalimutan ang taong nagdaan sapagkat naging tunay na masaya, makabuluhan at makulay ito dahil sa kanya.
3. Bada Van
Itong taon na ito, nasubukan ang tapang ko sa pagharap sa isang tunay na balakid. Itong taon na ito nawalan ng trabaho ang aking mama. Noong una kong malaman na tinanggal na sya sa pinatatrabahuhan nya ng halos sampung taon, akala ko ay guguho na ang aking mundo. Hindi ko alam kung papaano ko susuportahan ang aming pangaraw araw na gastusin at pangtustos. Awa ng Diyos, mukang nakakaraos pa rin naman. Nakabili ang nanay ko ng isang van na ginagamit namin bilang shuttle, pampasaherong sasakyan na sinasakyan ng mga nagoopisina sa Makati at Ortigas. Tama lang ang kinikita nito upang pambayad upa at pangkain (at in fairness, nagkaroon na rin kami ng sarili naming sasakyan, sa wakas). Resilience at its finest. One of the few times that I really experienced real life challenges.
4. Paglabas ng tunay na kulat atbp
Note: Di pwede lagyan ng retrato. Mahahalata kung sino e.
Ngayong taong ito, marami akong mga kakilala na sadyang lumabas ang tunay na kulay. Ang mga dating inakalang mababait at tunay na tao...hindi pala. Palaging kaakibat ng paglipas ng panahon at magaganda at mga masasama ring mga pangyayari. Isa na siguro ito sa mga negatibong natutunan ko ngayong taon na ito. Sadyang madamig tao sa mundo ang mas pinahahalagahan ang kanilang mga sarili kaysa sa kapakanan ng kaibigan. Nakakapanghinayang ngunit sadyang bahagi ito ng buhay.
5. Pagtatapat at Kasalan
Ito na ata ang pinakakapanapanabik na pangyayari na naganap ngayong 2005! Ang matinding proposal ni Mr Miguel Claro. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na ang isang Mitch Villegas ay makakaranas ng totoo at hardcore proposal (with matching engagement ring na nakalagay sa panna cotta!). Sa totoo lang, never in my wildest dream did I ever think that this could happen to me. Hindi naman sa ang tingin ko sa sarili ko ay hindi ako espesyal. Sa mga nakakakilala sa akin, alam kong maiintihan ninyo ako. Simple lang naman kasi ako, I love and hope to be loved back. Kung humantong man sa kasal, so be it. Pero hindi kailanman ako naging tipo ng tao na nagimagine kung paano ba magpopropose sa akin ang aking boypren. Hindi ko rin man inisip kung paano ako ikakasal. Pero eto ako ngayon, tinatanong ni Miguel kung nais ko ba syang pakasalan, hawak ang singsing, nanginginig pa nga sa kaba. "Will you marry me, Maria Michelle Villegas?". Hanggang ngayon, umaalingawngaw pa rin sa isip at puso ko ang boses nya nung tanungin nya ako. I felt so happy. Oo at wala ng iba pa ang unang pumasok sa isip ko. "Yes! Yes" naman kaagad ang sinagot ko! May kasama pang iyak yan.