Friday, January 13, 2006

Pagsasanay

Dalawang linggong pahinga! Ang sarap. Ngayon ko lang ata ulit naranasan to sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa bangko. Dalawang taon akong walang tigil na sumasagot ng telepono. Kahit papaano, nakapahinga rin ako sa wakas. Unfortunately, some good things never last.

Dalawang linggo akong hindi sumasagot ng tawag sapagkat kasalukuyan akong inihahanda sa PAGSAGOT (na naman) ng mga tawag mula sa mga kliyente ng bangko. Pagsasanay kumbaga...training mode. Kung dati, mga credit cardholders ang kausap ko, ngayon mga bank depositors and clients naman. Medyo mas exciting ngayon kasi mas kailangan alagaan ang mga depositors ng bangko. Syempre naman dahil sila ang nagpapasok ng pera sa bangko. Marami rami na rin akong natutunan at in fairness, excited na akong sumabak sa pakikipagusap sa kanila. Kadiri bang pakinggan? Malamang. Mahirap ipaliwanag. Siguro kayo ko to nasasabi at nararamdaman, kasi talaga namang challenging ang makipagusap sa mga bank depositors. Parang mas kailangang dekalidad ang pagbibigay serbisyo. Hindi ko sinasabing dapat ng barubalin ang mga tumatawag tungkol sa credit card. Mahirap din ihandle ang mga ito. Mas challenging lang ngayon kasi ang daming pwedeng itanong sayo ng tatawag tungkol sa bank products. Savings, checking, time deposits. May investment funds and trust products pa. Remittances pa! At ang pinakamasaklap sa lahat, undispensed cash complaints (eto ung mga taong tumatawag dahil nabawasan ang laman ng ATM nila kahit na wala namang lumabas na pera sa ATM machine sa pagwi-withdraw nila).

A basta, kahit na corny pakinggan, excited ako! Natutuwa ako dahil mas marami na akong alam ngayon. Sana tuloy tuloy lang ang paglawak ng aking kaalaman.

0 comments: