Sa aking pagtingin-tingin sa ilang mga blog, napansin kong marami sa mga ito'y tila may isang tema na nauukol sa interes ng may-ari ng mga ito. May isa akong nakita na nauukol sa mga iba't ibang uri ng sakit ang tema sa kadahilanang isang manggagamot ang may ari ng blog. Ang sa aking kaibigang may-ari ng "ratsky" ay tila tungkol sa iba't ibang mga palabas sa telebisyon at mga sine naman. Merong ibang nauukol sa mga online gaming. Meron ding isa pang blog na nauukol naman sa pagluluto. Iba't ibang interes ng iba't ibang uri ng tao sa lahat ng sulok ng mundo.
Kasabay ng pagtingin-tingin sa iba’t ibang mga blog, naisip ko bigla na hindi ko matanto kung ano nga ba ang tema ng sarili kong blog. Tungkol saan nga ba ang aking “sisidlan’? Samu't sari ang aking mga isinusulat at tila walang isang bagay na mapagtuunan ng pansin. Gusto ko meron din akong isang tema na magpapakita kung ano nga ba ang aking interes. Ang pakiwari ko kasi'y tila wala na akong interes sa kahit ano. Masyado na yata akong nagpaanod sa buhay at tila hindi na ako makapag-ukol ng panahon at lakas sa mga bagay na tunay na nakapagpapasaya sa akin. Nalulungkot ako dahil alam kong unti unti na akong nilulunod ng buhay. Isa na lamang akong pangkaraniwang nilalang. Isang robot na desusi.
Saklolo. Ayoko maging pangkaraniwan. Ayokong unti-unti na maging desusing nilalang na hinahayaang magpadala sa anod.

0 comments:
Post a Comment