Tuesday, August 22, 2006

Not a laughing matter - isang komentaryo ukol sa Guimaras Oil Spill

Naging matindi ang naging pagdidiskusyunan namin ng aking mga katrabaho ukol sa isyu ng naganap na oil spill sa isla ng Guimaras. Noon....napapanood ko lamang dati syang nangyayari sya sa ibang mga bansa at hindi lubos na nauunawaan ang kanyang epekto hindi lamang sa kalikasan kundi sa buhay ng mga tao na naninirahan sa mga apektadong lugar. Ngayon...kitang kita ng aking mga mata ang mabilis na pagsira ng maitim at malapot na langis na ikinalat ng lumubog na tanker. Tila isang mantsa sa maputing buhangin at asul na karagatang unti unting bumabalot at lumalamon sa kagandahan ng munting ngunit magandang isla ng Guimaras.

May managot man o wala...huli na rin ang lahat. Marahang sinisira ng langis ang buhay, kabuhayan at tirahan ng mga taga Guimaras at ng kaliit liitang isda na naninirahan sa karagatan.

Ngayon ko gusto makita na magkaisa ang Pinoy. Ang kaganapang ito ay isang malinaw na paraan upang mapatunayan nating isa tayong nagkakaisang bansa. Hindi man magkaisa ang ating bayan pag usapang pulitikal ang pinagkakaabalahan, sana'y ngayon ay magsiklab muli ang tunay na People Power na nananalaytay sa dugo ng bawat isa sa atin.

0 comments: