Friday, May 28, 2004

Paglingon

Binalikan niya ang nakaraan at tila nagulat sa kanyang nakita’t narinig. Marami pala siyang mga bagay na hindi napansin noon. May mga bagay palang dati’y alaalang panandalian lamang dumampi ngunit ngayo’y halos punuin ang kanyang isip at damdamin. Unti-unti siyang nahuhubdan mula sa pagkakabalot sa huwad na pagmamahal. Madamot na pagmamahal. Pagmamahal na nakasanayan lamang.

Masaya siya’t lumingon siya.


Isinulat noong May 27, 2004

1 comments:

Anonymous said...

tama lang nalumingon, baka may nakalimutan ka kasi.