Saturday, May 26, 2007

Miguel Turns 30!

Maligayang Bati Miguelito!

Kahapon idinaos ni Miguel ang kanyang 30th birthday! Grabe, isang taon na lang at wala na sya sa kalendaryo =) Matanda na ang aking boypren. Mwehehehe.

Nakakapagod ang buong araw sapagkat kahit na 30 na sya, drayber pa rin sya ng kanyang nanay. Despite being tired though, it became special since our families finally had the chance to be together to celebrate the day.

We had dinner at Cloud 9 (pictures to follow!) at kumpletong nagsalo salo ang pamilya nya at pamilya ko. First time sya and it turned out to be fun. Akala ko pa nung una magkakailangan pero hindi rin naman pala. Nagkaroon ang lahat ng pagkakataon na mas magkakilala. Kasama pa syempre ang pamangkin nyang si Carlos na sadya naman kyut na kyut kaya lalo pang naging mas masaya. Marami pang masayang kwento pero sa susunod na ulit dahil as usual...kulang sa time.

Happy Birthday ulit Miguel!

Tuesday, May 22, 2007

On being brave...

Isa na namang pagkakataon para makapagsulat...salamat.

Marami rami na ring mga bagong pangyayari sa aking buhay na gusto ko sanang ikwento sa sino mang maliligaw at magaabalang sumilip sa aking mga kwento...

Una na rito ang aking paglalakas loob na harapin ang isang bagay na kinatatakutan upang makamtan ang isang matagal ng ninanais...ang maiba naman ang ginagawa. Matagal na rin akong nagtatrabaho bilang isa Customer Service Officer ng BDO. Matiyaga kong napagpasensyahan ang mga tanong, hiling at reklamo ng samu't saring mga tao. But i guess you will reach a point in your life when you just want to do something else. Mga ilang beses na ring pumapasok sa aking isipan ang paglipat sa ibang team para maiba namang ang aking ginagawa. Patumpik tumpik nga lang ako dahil sa takot na hindi payagan or worst, mapagalitan. Pero at last, nakapaglakas loob din ako noong Huwebes. Biglang bigla ang pagkakataon and I knew that if I let it pass, I would never get the chance to speak up again.

I did it. Nasabi ko sa kanya na gusto ko ng lumipat sa ibang team. It was a very light conversation with the boss who I feared so much. Mabilis lang ang usapan pero I knew it made a difference. I was able to show her my intentions and I knew I'd be given the chance.

Hindi kailanman tayo dapat magpatalo sa takot. Cowardice gets us nowhere. It only brings us disappointment once we realize the opportunities we've missed if we let it get the best of us. For once in my life, Im happy that I overcame my fear.

Wednesday, May 09, 2007

Para Lang Alam Nyo Pa...

Over the past few months...kahit papaano, may happenings naman sa buhay ko...

Nakapag Talisay kami nung Holy Week

DSC00232


Tumaba ako
P4290124


At madami pang iba....

Sa susunod na lang, si Jenny kasi baka daganan ako.

Matanda na nga ba ako?

Apat.

Apat na buwan akong hindi nakapagsulat sa aking blog.
Nilangaw, nabulok at halos patay na ang blog ko. Nakakaawa.

Kung meron lang sana akong pagkakataon na makapaginternet parati, ang dami ko na sanang naikwento pero tila kulang parati ang oras. Hindi dahil sa madami akong ginagawa kundi dahil sa parati kong nararamdamang pagod or di kaya't tinatamad ako. Iniisip ko nga madalas kung ito ba ay isang pagpapatunay na talagang tumatanda na nga ako. Ano nga ba ang madalas kong nararamdaman ngayong malapit na akong magdalawampu't walong taong gulang...


1. Madaling mapagod.

Kung dati ay kaya kong mag-ikot sa mall ng isang buong araw ng walang nararamdamang pagod (exception na siguro ang manakanakang pagatake ng aking pulikat), ngayon ay isang oras pa lang akong nagiikot ay nananakit na ang aking mga tuhod at patang pata sa oras na ako ay umuwi.

2. Makakalimutin.

Kung dati ay kaya kong kumabisa ng mangilan ngilang pahina bilang paghahanda sa isang test, ngayon ay ang simpleng kaarawan ng aking mga kaibigan ay nalilimutan ko na rin. Minsan ay tatayo ako, kukuha ng tubig sa ref ngunit sa oras na makarating na ako sa ref ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin.

3. Hindi na interesado pa sa anumang bagay

Maliban sa panonood ng Heroes, wala na ata akong ibang gustong gawin. Hay buhay.


Sa totoo lang, marami pa akong gustong sabihin pero as usual, im pressed for time. Sana talaga magkaroon na ulit ako ng sarili kong computer at internet access...