Monday, December 18, 2006

New look ni Sisidlan

Im excited with my blog's new look.

As of the moment, nothing different pa rin pero im hoping to make new changes once i get the chance to blog ng dibdiban. so far kasi, tig isang oras lang lagi ang chance ko para makapag online. usually, during my lunch break lang, kaya hindi ko talaga sya mabutingting.

Friday, December 08, 2006

Halo Halo

Hindi ko maunawaan ang aking nararamdaman.


Naghahalong inis, lungkot, awa...ewan. Basta labo labo.
Yung kinatatakutan ko, nangyari na nga. At yung mas kinatatakutan kong iisipin at mararamdaman ang sya ngang kinahinatnan. Umako ako ng isang bagay na akala ko'y simpleng pag gabay lamang. Hindi ko inakalang sa aking balikat ipapataw ang napakalaking responsibilidad.


Kung naiinis ka. Mas naiinis ako.

Thursday, November 30, 2006

Reasons why I hate being a VILLAGER

Warning: This post is actually meant to be abstract and hard to understand. Sadya yun for the protection of those people that I hate.


Parating nagtataka ang nanay ko kung baket ayaw na ayaw ko sa aking mga "ka-village". Ako rin nung una, nagtataka at napapaisip kung baket nga ba. Iisa lang naman ang aming pinanggalingan. Pinagbibigkis kami ng iisang dugo na ipinasa mula pa sa henerasyon ng dakilang bayani. But then yet...


I just hate all of them! No matter what anyone says, there's just something not right about each and every member of the VILLAGE!


Hindi ko maramdaman na bahagi ako ng kanilang angkan. Hindi ko makita ang bukal nilang pagtanggap sa akin. Noong una, sabi nga ni mama, ako ang ayaw magbukas...ako ang ayaw magpatuloy sa kanila sa aking puso at sa aking buhay...pero mali ang nanay ko doon. Sila ang hindi marunong tumanggap sa aking pagkatao. Pinipilit nila akong ihulma sa kanilang aristokratikong pamumuhay at pamamaraan na kailan man ay hindi babagay sa aking katauhan at sa estado ng aking buhay. Siguro nga alam din nila yun sapagkat sila na mismo ang nagpakita nito...sa paraang hindi nila pagkilala sa amin bilang kalahi.


You pretend to be upright. You pretend to be knights and maidens of God but you live the life of a mere hypocrite. You have all been blinded by the belief that you are superior to many because of your direct connection to the almighty God. I pity you. Living your lives in a box because you believe you are all saints.


Sa katotohanan, ang pagtatwa ninyo sa amin ang nagbukas sa aking mata sa katotohanan. Hindi kailanman ako magpapabigkis sa inyong mga utos, sa inyong mga idinidikta!


I hate being a VILLAGER. Ang dating inakalang kong nagiisa kong kayamanan, ang kilalaning bilang inyong kalahi ay ang lason na papatay sa aking pagkatao. Hindi ko na hahayaan pang kumalat ito sa aking sistema.

Monday, November 27, 2006

Ritrato

Puro salita, puro dada...picturan muna!

bday

Happy Birthday Mits!


beth's wedding

Beth's Wedding


updated lovers

Mits and Mips still in love!

Wednesday, November 22, 2006

This Blog is Not Dead

Hindi pa po patay ang blog na to. At mas lalong hindi pa po patay ang nagmamayari ng blog na ito. Ako po ay kasalukuyang nabubuhay pa, alive and kickin' ika nga. Wala lang po akong PC sa bahay at wala rin masyadong oras na maigugol upang makapag internet sa labas.

Marami akong gustong iexplore pa at butingtingin sa blog na ito ngunit dahil sa kakulangan ng oras, unfortunately, tiis tiis muna tayong lahat sa mga boring na hinaing at angst ko.

Maiba muna tayo...

Malapit ng mag December 1. Para sa mga taga BDO, ito ang pinakamasayang araw sa bawat taong nagdadaan sapagkat CHRISTMAS BONUS na! Sa wakas, tapos na ang labingisang buwan ng paghihirap. Tiba tiba na naman tayong lahat!

Eto ang ilan sa mga bagay ng gusto kong gawin pagsapit ng a-uno ng Disyembre:

1. Kumain sa Itallianis!
2. Bumili ng bagong Chuck Taylor (yung white na may blue lining tapos cross sa likod - nasa Shoe Salon sya at napakaganda nya!)
3. Mag bayad ng kahit isang credit card para mabawasan na ang mga pesteng utang na yan!
4. I-treat ang nanay ko sa kung saan man nya gusto pumunta o mamasyal.
5. Ipunin ang pera ko para sa aking future! Yebah. =)

Eto ang mga pangarap kong bilhin pero di pwedeng bilhin kasi mahal at makakasira sa plano kong magipon for my future:

1. A brand new Sony Ericsson W710i
2. A brand new Kenneth Cole watch
3. A brand new queen size mattress

Grabe, ang sarap talaga pag pasko. Ang dami mong naiisip bilhin and for once in your life, pwede mo nga silang bilhin! Yehey!

I love Christmas! I love it, love it, love it!

Sunday, October 01, 2006

Pagbabago ngayong bumagyo? Wala.

Bumagyo na't lahat. Halos buong Luzon ay nawalan na ng kuryente. Mga nagtatandaang mga puno'y nabunot, mga dating bubong ng bahay ngayo'y kalat na lang sa kalye ngunit...wala pa ring pagbabago sa Pilipinas.

Tuloy pa din ang 3-day sale ng Podium. May pasok pa din ang mga empleyado ng Banco de Oro. Kahit na libo libong tao ang napinsala ng pagbulusok ni Milenyo, tuloy pa rin ang buhay ng mas nakararami at animo'y isang commercial lamang ang trahedyang nangyari.

Tuesday, August 22, 2006

Muling Bubuhayin, TULONG NAMAN DYAN!

Balak kong buhayin muli ang tulog na manunulat na nagtatago sa pumupungas pungas kong mga mata...

Balak kong muling kilitiin ang aking isipan mukang nakuntento na lamang sa pagiging ordinaryo...

Tulungan niyo naman ako...

In other words, meron ba kong masasalihan writing group dito sa Kamaynilaan? I need an outlet, I need guidance, I need mentors...HALP!

Not a laughing matter - isang komentaryo ukol sa Guimaras Oil Spill

Naging matindi ang naging pagdidiskusyunan namin ng aking mga katrabaho ukol sa isyu ng naganap na oil spill sa isla ng Guimaras. Noon....napapanood ko lamang dati syang nangyayari sya sa ibang mga bansa at hindi lubos na nauunawaan ang kanyang epekto hindi lamang sa kalikasan kundi sa buhay ng mga tao na naninirahan sa mga apektadong lugar. Ngayon...kitang kita ng aking mga mata ang mabilis na pagsira ng maitim at malapot na langis na ikinalat ng lumubog na tanker. Tila isang mantsa sa maputing buhangin at asul na karagatang unti unting bumabalot at lumalamon sa kagandahan ng munting ngunit magandang isla ng Guimaras.

May managot man o wala...huli na rin ang lahat. Marahang sinisira ng langis ang buhay, kabuhayan at tirahan ng mga taga Guimaras at ng kaliit liitang isda na naninirahan sa karagatan.

Ngayon ko gusto makita na magkaisa ang Pinoy. Ang kaganapang ito ay isang malinaw na paraan upang mapatunayan nating isa tayong nagkakaisang bansa. Hindi man magkaisa ang ating bayan pag usapang pulitikal ang pinagkakaabalahan, sana'y ngayon ay magsiklab muli ang tunay na People Power na nananalaytay sa dugo ng bawat isa sa atin.

Saturday, August 19, 2006

Bertday!

Gosh. Nabubulok na ata tong blog ko sa sobrang tagal na huli akong nakapagsulat. Nakakaawa na sya. Ni hindi ko na nga alam kung anong bago sa blog world e. Tsk tsk.

Maraming bagong kwento. Marami din sanang bagong mga retrato na handa mai-post dito sa blog pero dahil sa kulang sa oras at hindi ko mai-upload yung mga pics dahil sa sira ang aking computer. Gagawin ko na lang ang aking makakaya para malubos ang oras para makapagkwento na samo't sari pangyayari sa aking kinda boring but not so bad life.

Kakatapos lang ng aking kaarawan! It was my bertday last August 13. Dalawampu't pitong gulang na ako! Yehey! Dagdag na taon but not feeling any older. Sa totoo lang, ang pakiramdam ko, nasa highschool pa din ako. Siguro nga pag nakita ako ng mga dati kong kamag-aral, sasabihin nila, wala akong pinagbago. Same old Mitch V.

A day before my birthday, I decided to come out of hiding and invited some of my good friends over for pasta and pizza. People like Jenny (but of course she's there), Jen, Magnolia and Eggy came to celebrate with me (too bad Mako wasnt here). It was a nice feeling to see all of my very good friends all together. Real important friends that I've met since highschool, college and at work. Not only was I glad that we got the chance to hang out with each other once again but it made me real happy to know that I've got really great friends. Ang pakiramdam ko, parang nakagawa ako ng tamang bagay sa buhay ko dahil sa mga kaibigang napili ko. Wala man akong yaman sa buhay (cliche, cliche i know...) pero masuwerte naman ako dahil may mga kaibigan akong tulad nila. In other words, it was a happy birthday for me....thats all I wanted to share actually.

For now, I've got to go.

But there's more to come...I promise. Hintay lang.

Wednesday, May 10, 2006

Walang topic. Walang Theme.

Sa aking pagtingin-tingin sa ilang mga blog, napansin kong marami sa mga ito'y tila may isang tema na nauukol sa interes ng may-ari ng mga ito. May isa akong nakita na nauukol sa mga iba't ibang uri ng sakit ang tema sa kadahilanang isang manggagamot ang may ari ng blog. Ang sa aking kaibigang may-ari ng "ratsky" ay tila tungkol sa iba't ibang mga palabas sa telebisyon at mga sine naman. Merong ibang nauukol sa mga online gaming. Meron ding isa pang blog na nauukol naman sa pagluluto. Iba't ibang interes ng iba't ibang uri ng tao sa lahat ng sulok ng mundo.

Kasabay ng pagtingin-tingin sa iba’t ibang mga blog, naisip ko bigla na hindi ko matanto kung ano nga ba ang tema ng sarili kong blog. Tungkol saan nga ba ang aking “sisidlan’? Samu't sari ang aking mga isinusulat at tila walang isang bagay na mapagtuunan ng pansin. Gusto ko meron din akong isang tema na magpapakita kung ano nga ba ang aking interes. Ang pakiwari ko kasi'y tila wala na akong interes sa kahit ano. Masyado na yata akong nagpaanod sa buhay at tila hindi na ako makapag-ukol ng panahon at lakas sa mga bagay na tunay na nakapagpapasaya sa akin. Nalulungkot ako dahil alam kong unti unti na akong nilulunod ng buhay. Isa na lamang akong pangkaraniwang nilalang. Isang robot na desusi.

Saklolo. Ayoko maging pangkaraniwan. Ayokong unti-unti na maging desusing nilalang na hinahayaang magpadala sa anod.

Wednesday, April 26, 2006

Damn AMD processor!

I still wonder why I allowed myself to get another AMD processor! Why? Why? Why? Lagi na lang nagha-hang at nagre-reboot ang PC ko dahil sa init! Kailangan ko pang buksan ang aircon at tapatan pa sya ng industrial fan para lang sigurado akong matiwasay akong makakagamit ng aking computer! Nakakainis! Nakakabwisit!
Current mood: BAD TRIP!

Sunday, April 23, 2006

Simulan Na!

Halos tatlong buwan na rin ang nakalilipas mula ng yayain akong magpakasal ni Miguel...

And so far, wala pa kaming napaplano o nasisimulan sa kasal na sana'y matuloy sa Enero ng taong 2007.

Hindi naman sa ayaw na naming magpakasal. Sa katunayan, atat na nga kami. Hindi ko bobolahin ang sinumang makabasa nito...ang malaking problema ngayon ay aming kakulangan ng pondo. Nakapagtanong tanong kami sa mga kaibigan at katrabaho at kukulanging Php 200,000 ang aming kakailanganin upang maisakatuparan ang kasal na pareho naming inaasam.

Talagang napakalaking halaga lalo na sa kagaya naming mga simpleng tao lamang. Wala kaming sapat na pera at kung 2007 ang aming goal, mukhang hindi kakayanin ng powers naming makapagipon ng ganun kalaking halaga. Siguro, kung pwede lang, magpacivil wedding na lang pero syempre, kahit papaano'y gusto rin naming matupad ang isa sa aming mga pangarap lalo na't nakaabot na kami sa edad na akma sa pagpapakasal.

Binanggit sa amin ng mama ni Miguel (future mama ko na rin, hehe) na hindi masama kung magsimula na kaming maghanda. Walang masama sa pagtingin tingin upang malaman namin ang talagang aabutin ng kasal. So far, may venue na kami, libre pa. Sa bahay ng lola ko sa Batangas. Its perfect! Napakalaking hardin at napakagandang sinaunang bahay na gawa sa narra! Perfect sa Filipiana theme, dream ko to! Kaya lang gusto daw magtuxedo ni Miguel. Pano ba to? Hehe. Ang simbahan, syempre sa Batangas din. Libre na to, sigurado ako! Malakas lola ko sa parokya ng aming bayan. =) Ang kailangan ko na lang isipin ngayon ay ang caterer na magpapakain ng mahigit 100 katao. Damit ko at ng entourage. Invitations. Souvenirs. Photographer and Videographer. Flowers. Madami dami pang pagaaral ang kailangan gawing para sa nalalabi. Kailangan ng simulan...walang mangyayari kung magpapatalo kami sa takot ng laki ng gastos sapagkat kung gusto mo, magagawan ng paraan.

Monday, April 17, 2006

Munimuni

At last, nakapaginternet din ako. Yung tipong "leisurely surfing the net" talaga...walang hinahabol na oras, walang time limit, walang iniisip na bukas...

Napadaan ako sa blog ng aking kaibigan si Maranatha... and wala akong kamalay malay na kinasal na pala siya! Congrats! Nakita ko pa yung evolutionpics niya with her highschool friends and thats when it him me...talagang we're all grown up. Gone were the days when all we had to worry about were soliloquys to memorize for Mrs Eala, book reports to submit, reflections papers to reflect on and geometry problems to solve for Ms Marquez... Lahat ay iba na, lahat ay problemang pangmatanda na.
I miss highschool. I miss the teachers. I miss my classmates. I miss everything about it. It brings a kind of comfort that I've never truly encountered in college and even now that I'm working.
Sana muli kong mabalikan ang AC. Gusto kong muling makita ang mga classrooms, ang mga canteens. Gusto kong muling marinig ang tawanan, usapan, hiyawan ng mga Assumptionista na tila isa na lamang alingawngaw sa aking isipan...

Wednesday, April 05, 2006

Patay na Buhay

Patay na nga ata talaga ‘tong blog ko.

Kasabay ng pagbulusok ng sangkaterbang problema ang kawalan ko ng oras at inspirasyon para makapagsulat muli.

Ngayon ko lamang nahinuha na sadyang sa pagtanda ng isang tao, kung hindi ka mag-iingat ay sadyang makakalimot ka’t magpapaanod sa agos ng buhay. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng taong unti-unting nagiging robot.

Mahirap pag hinayaan mo ang iyong sarili na sumabay sa mga buhay na patay. Hindi mo mamalayang katulad ka na rin nila, humihinga, gumagalaw at nagsasalita ngunit hindi na nakakaramdam. Animo’y isa ka na lamang robot na paulit ulit na gumagawa ang pang araw-araw na ritwal. Gigising, kakain, maliligo at magbibihis. Papasok sa opisina, magtatrabaho. Kakain ng tanghalian, kakain ng meryenda, kakain kahit hindi gutom. Tatayo para magbanyo. Pagkalipas ng 9 na oras, uuwi na ng bahay. Kakain ng hapunan. Manonood ng t.v., magsisipilyo’t hilamos at saka matutulog. Sa sunod na araw, ganun ulit. Paulit ulit lang. Vicious cycle ang tawag nila ditto sa Ingles. Akmang akma ang termino. Sadyang mapanganib ang ganitong klaseng buhay. Mamatay ka kahit na buhay ka pa.

Thoughts on Life: Chef ba si God?

Talagang mapanghamon ang buhay. Kung mahina ka, minsan ay sadyang mahihirapan ka sa mga hamong ipupukol nya sayo.

Bagama't madalas mapukol at kahit na madalas pang mabukulan, ngayon ko masasabing sadyang ako ay nabubuhay. Mas natitikman ko ang putaheng inihahanda sa akin ng aking kapalaran. Hindi lang sya puro tamis. May kaunting alat at pait pati na rin ang anghang. Sadyang naging mas malasa tuloy. Mas masarap mabuhay kapag ganito pala.

Kapag iisa lamang ang lagi mong nalalasahan, habang tumatagal ay masasawa ka rin. Kapag puro tamis, baka mabulok ang ipin mo. Kapag puro alat, baka naman magkasakit sa bato. Pag puro pait naman, mas lalo namang hindi masarap yun. Huwag din naman puro anghang, baka magkaputok ka (pasintabi na lang sa mahilig sa maaanghang).

Magaling nga sigurong chef si God. Kasi tamang tama lang ang timpla nya sa buhay ko. Ngayon medyo dinagdagan niya ng alat at pait. Pero okay lang, sawa na rin ako sa matamis. Okay lang na maiba naman.

Friday, January 13, 2006

Pagsasanay

Dalawang linggong pahinga! Ang sarap. Ngayon ko lang ata ulit naranasan to sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho sa bangko. Dalawang taon akong walang tigil na sumasagot ng telepono. Kahit papaano, nakapahinga rin ako sa wakas. Unfortunately, some good things never last.

Dalawang linggo akong hindi sumasagot ng tawag sapagkat kasalukuyan akong inihahanda sa PAGSAGOT (na naman) ng mga tawag mula sa mga kliyente ng bangko. Pagsasanay kumbaga...training mode. Kung dati, mga credit cardholders ang kausap ko, ngayon mga bank depositors and clients naman. Medyo mas exciting ngayon kasi mas kailangan alagaan ang mga depositors ng bangko. Syempre naman dahil sila ang nagpapasok ng pera sa bangko. Marami rami na rin akong natutunan at in fairness, excited na akong sumabak sa pakikipagusap sa kanila. Kadiri bang pakinggan? Malamang. Mahirap ipaliwanag. Siguro kayo ko to nasasabi at nararamdaman, kasi talaga namang challenging ang makipagusap sa mga bank depositors. Parang mas kailangang dekalidad ang pagbibigay serbisyo. Hindi ko sinasabing dapat ng barubalin ang mga tumatawag tungkol sa credit card. Mahirap din ihandle ang mga ito. Mas challenging lang ngayon kasi ang daming pwedeng itanong sayo ng tatawag tungkol sa bank products. Savings, checking, time deposits. May investment funds and trust products pa. Remittances pa! At ang pinakamasaklap sa lahat, undispensed cash complaints (eto ung mga taong tumatawag dahil nabawasan ang laman ng ATM nila kahit na wala namang lumabas na pera sa ATM machine sa pagwi-withdraw nila).

A basta, kahit na corny pakinggan, excited ako! Natutuwa ako dahil mas marami na akong alam ngayon. Sana tuloy tuloy lang ang paglawak ng aking kaalaman.