Thursday, February 17, 2005

Character Is Your Destiny

Character is your destiny.

Eto yung topic ng mga DJs habang nakikinig ako sa radyo papasok ng opisina kaninang umaga. Noong unang tinanong nung isang DJ yung kasama niya kung naniniwala siya rito, walang masabi yung isang DJ. Kapareho ko, mukang hindi rin ata niya alam ang ibig sabihin nito. Hindi natapos ang usapan ng dalawa. Malamang ay natunugan ng isa na hindi naintindihan yung kanyang sinabi kaya pinaliwanag niya ang ibig sabihin nito.

Eto pa nga ang ginamit niyang halimbawa.

"Kung makakita ka ng isang libong piso sa sahig...pupulutin mo ba ito at ibubulsa o ibabalik sa may-ari. Walang ibang nakakita. Ikaw lang. Kung ano man daw ang maging desisyon mo (kung ibabalik mo ito o hindi), sa oras na iyon matatanto mo at ng iyong Lumikha ang iyong pagkatao kasabay ng pagtanto mo sa iyong tadhana." (syempre, sa salitang ingles niya ito sinambit)

Pagkatapos maipaliwanag, napaisip ako kung nagkaroon na ba ako ng pagkakataong masubukan upang malaman ang uri at katatagan ng aking katauhan. Marami na akong mga naharap na sitwasyon at pagsubok ngunit sa aking pakiwari ay hindi ko pa natatanto ang tunay at nag-iisang pagsubok na susukat sa aking tunay na katauhan. Sana'y sa pagdating nito'y hindi ako masawi sa pagkakakilala ko sa aking sarili. Naniniwala akong itinadhana ako ng Lumikha na maging isang ganap na nilalang na may tatag ng loob at buo ang prinsipyo. Sana'y sa pagdating ng aking pagsubok ay ganap kong maisabuhay ang inaakala kong itinadhana sa akin.

0 comments: