Wala akong pasok ngayon pero talaga namang stressed out ako today.
My mama has been sick since Sunday. Mukang nahawaan siya ng isa kong tiyahin. Hindi kami mga sakiting tao pero mukang pamatay ang virus na dala ng tita ko kaya nagkasakit agad si mama. Umuwi siya kaagad galing Batangas at inaapoy na ng lagnat simula pa noong Linggo. Kahapon, pag-uwi ko, may lagnat pa rin sya. Pinainom namin sya ng Tuseran Forte. Kaninang alas kwatro, ginising niya ako dahil masama ata ang pakiramdam nya. Pagtingin ko sa temperatura niya, grabe, 39.3. Talaga namang nagpanic ako dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Walang nakakatanda sa bahay noong mga oras na yun kundi ako. Pinunasan ko sya, super lamig na tubig ang ginamit ko pero napababa ko lang yung lagnat nya to 38.5. Lalo lang akong nagpanic dahil paggising ko, bumalik sa 39.6. Buti na lang, noong mga oras na yun, dumating na ang pinsan ko. Dinala namin sya sa isang clinic (dahil hindi ko afford ang private hospital) malapit sa aming sabdivision. Niresetahan siya ng paracetamol at ambroxol. Yung biogesic (paracetamol yun), dapat pala, 2 ang ipainom sa kanya. Dalawang tig 500mg, to be taken every 4 hours. Una syang uminom kaninag alas dose ng tanghali. Kabababa ko lang ngayon at guess what, 37.5 na ang temperature nya. Nakahinga na ako ng malalim. Mabisa pala yung nireseta ng doctor. Sulit na kahit na sa maliit na clinic lang kami pumunta. Makakahinga na ako ng maluwag.
Sana ay tuloy tuloy na ang paggaling niya.
Tuesday, February 08, 2005
Worried Sick...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment