Sunday, February 27, 2005

Panahon ng Takot at Pangamba

Ganito pala ang pakiramdam kapag may namumuong takot sa iyong puso't isipan.

Nagiging balisa't kung ano ano ang naiisip. Nanghihina kasabay panlalamig ng mga kamay. Mahirap matakot sa hindi mo alam. Hindi mo tanto kung ano ang iyong haharapin at kung paano ito paglalabanan or malalampasan.

Talagang darating ang isang araw na magbabago ang iyong mga pananaw sa buhay. Gagawa ka ng desisyong hindi mo akalaing magagawa mo. Dapat ay handa ka sa kung ano mang kahihinatnan nito. Madaling sabihin. Sigurado akong mahirap pa ring tanggapin sa unang pagkakataong magkatotoo ang iyong kinatatakutan.

Ngunit kung sa harap ng takot at pangamba'y may kadamay ka, sigurong mahaharap ang unos. Kung ang sumpaa'y tapat at totoo, pawang malalampasan ang takot.

1 comments:

Miguelito's Blog Thingy said...

Wag nang matakot Bebi :)