Monday, January 31, 2005

Sarbey Mula Sa Aking Editor

Ako ay si ... Mitchvee
Sabi nila ... pumayat raw ako! (sa mga matagal ng hindi nakakita sken, ikaw yun maranatha, oo, tumaba ako, as in, at pumayat ulit!)
Sabi ko naman ... Buti naman. Mahirap magpapayat no!
Ang huli kong binili ay ... French toast sa kantina dito sa opisina
Ang huli kong kinain ay ... Yung French toast na binili ko
Ang cellphone ko ay ... isang k700i (at ngayon ay lubog na ako sa utang sa credit card)
Ang huling nag misscall sa fone ko ay si ... Ate Laila (nagpapabili kasi sya ng Sun prepaid sim)
Ang huling nag text sa kin ay si ...Ate Laila (kinukulit ako na bumili ng sun prepaid sim)
Nagising ako kaninang ... 530AM, ginising ako ni Payatot
Pagkagising ko ... una kong narinig ang boses ni Payatot, bedroom voice pa. Papa!
Ako ay nasa ... impiyerno (aka opis)
Ang kulay ng suot ko ngaun ay ... asul na uniporme ng BDO na mukang uniporme ng mga taga SM.
Ang kulay ng bed sheet ko ngayon ay ... dilaw
Naiinis ako sa ... SSS loan ko
Natutuwa naman ako sa ... sarbey na ito
Namimiss ko na ... magbadminton, maglaro ng sims at heroes of might and magic
Hindi ko naman namimiss ... si bossing
Huli akong uminom ... ng tubig ni jenny (parang di maganda pakinggan)
Ang ininom namin nun ay... tubig nga
Kasama ko nun yung ... babaitang pangalan ay jenny nga
Ang oras ngayon ay ... 4:11pm, 49mins na lang uwian na!
Ang nag send sakin ng survey na to ay ... ninakaw ko lang sa blog ni maranatha
Nagsasagot ako nito kasi ... wala akong magawa at gusto ko lubusin ang paggamit ng internet sa opisina para naman makabawi ako sa lahat ng pahirap na dulot nito
Huli akong umiyak nung ... ewan...2 linggo na ata ang nakakalipas
Pinaiyak ako ng ... boss ko
Huli naman akong tumawa nung ...1 millisecond ago. lagi naman akong tumatawa kahit walang nakakatawa e.
Pinatawa naman ako ni ...sasing
Crush ko si ... Payatot
Crush naman ako ni ...aba, malay. kung sino man ang mahilig sa mukang exotic, yun na siguro may crush sken
Pero mahal ko si ...Payatot
Mahal naman ako ni ...Payatot (mutual yan mga repapips!)
Ang kantang pinakikinggan ko ngayon ay ...wala
Gusto kong ...magpunta ng Bohol at magbakasyon kasama ni Payatot
Gusto ko ng matapos tong survey na to kasi ...malapit na maguwian
Hindi ko na alam kung pano tatapusin tong survey kaya ... ewan. tapos na naman a. hmm.

1 comments:

Mitchvee said...

Aba syempre naman! Ikaw pa maranatha! Misyoo!